15 | Like

80 4 12
                                    

He likes me?!

Since when?!

Or he likes me as a mother of his child? Wow assuming. Pero I'm the mother of his child.

Baka naman si baby tinutukoy nya.

"Tulala ka nanaman" natatawa nyang puna kaya nabalik ako sa reyalidad. He likes me

"Me? or si baby? Pakilinaw"

He pointed his finger to me...and my tummy

"Kayong dalawa. I like you, both."

Hindi naman na kami bata para magkiligan at magpaharutan kaya nginitian ko sya.

"Luke, hindi ko alam kung gusto ba kita eh."

Hindi nawala ang ngiti nya, "ano naman? Basta gusto ko lang malaman mong gusto kita. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Okay na ko na alam mo para hindi ka magtakha sa mga ginagawa ko"

Ah. Okay.

"By the way, check mo nga itong inorder kong mga baso kung maganda"

Medyo natawa pa ko dahil biglang nagbago ang facial expression nya. From serious to excited. He never fails to amuse me. Bilis nyang magbago ng mood.

"Bakit ipapacheck mo pa sakin? Nabili mo na. Tsaka ikaw gagamit nyan, hindi ako"

Tiningnan nya ko at saka iniangat ang isang baso. Hala ang cute!

"Cute no? Pinili ko talaga yan para paglabas ni baby magaganda gamit natin sa bahay."

Bahay?

"Nga pala, naayos ko na yung condo ko. Pwede ka nang lumipat"

Lilipat?

"Hindi kita maalagaan ng maayos kung magkahiwalay tayo ng condo. Napalinis ko narin yung kwarto kaya pwede ka nang maglipat agad ng gamit mo"

Sinasabi ba nyang titira kaming dalawa sa condo nya? Aalis ako sa condo at lilipat sakanya?

"No hindi na kailangan! Kaya ko namang alagaan sarili ko. Okay lang naman kung hindi ka nakakapunta lagi, nandon naman si Justin"

Umiling iling sya at saka ako nginitian. "Kakasabi ko lang, hindi kita maalagaan kapag magkahiwalay tayo. Gusto ko ako mag aalaga sainyo"

Tinuro nya ang tyan ko.

Ayoko

---

"Uy I think maganda nga yang idea nya." Sabi ni Justin sa akin habang umuupo sa tabi ko. Hinigop nya ang kape nya.

"Anong maganda don? Hello~ Secretary nya ko! Tapos titira kami sa iisang condo?"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now