2 | Sorry

134 8 2
                                    


"Alexandra oh, tubig!" Hinagis ni Justin ang water bottle kay Alex na sinapo naman nito.

"Salamat"

Napairap ni Justin sakanya. "Ang sakit talaga sa mata nyang suot mo. Yung totoo saan ka ba magtratrabaho?"

Napairap din ang dalaga sakanya. Kanina pa nito nilalait ang suot nya at nagtatakha narin sya kung bakit hindi pa ito pagod.

"Akin na tanggalin natin yang mata mo para di na sumakit"

---

"Good morning!" Bati nya sa babae sa front desk. Kumunot ang noo nito at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"Bakit ka nandito?"

"Natanggap ako eh. Start ko today! Good morning ulit!" Sarkastikong sabi nya dito at tinalikuran para umakyat sa 9th floor. Dirediretso lang sya syang pumasok sa loob.

Naabutan nya ang tatlong lalaki na nakataas ang mga paa habang nagsisigawan.

"Top pre! Top!" Sigaw nung lalaking nakasalamin.

"Nasa mid ako teka!" Reklamo nung lalaking medyo mahaba ang buhok at tahimik lang sa isang gilid yung lalaking nilait sya about sa fashion sense nya.

"Good morning" bati nya kaya napatingin sakanya ang nakasalamin at medyo mahaba ang buhok. Agad nilang naibaba ang mga paa na nakapatong sa lamesa at iniayos ang sarili.

"Bantayan nyo yung tore gago" Sigaw ni Ken kaya nabato sya ng mini pillow nung nakasalamin.

"Pre" tawag nung medyo mahaba ang buhok sakanya kaya napalingon sya sa mga ito.

"Good morning, miss Bartolome" bati nung nakasalamin at tumayo pa. Iniabot nito ang kamay na agad na tinanggap ni Alex.

"Vester Ajero" pagpapakilala nya sa sarili nya na kaagad tinanguan ng dalaga. "Alex po. Nice to meet you, sir Ajero"

Tumayo ang isang lalaki at iniayos ang buhok nya. "Pau nalang itawag mo sakin"

"Okay po, sir Pau."

"Pau nga"

"Opo sir Pau"

"Oy Ken mag-hi ka sa bago nating empleyado" tawag ni Vester kay Ken ngunit tila wala itong narinig. Ibinalik rin nito kaagad ang tingin sa cellphone nya

"Kaya kong idefend to nang mag-isa!" Sigaw nito kaya napailing si Vester. Ibinalik nya ang tingin kay Alex at nginitian ito.

"Ken Suson." Turo nya kay Ken kaya napatango ang dalaga.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ni Paulo sakanya kaya napakunot ang noo nya.

"Natanggap ako sa trabaho, sir Pau"

Natawa ang binata sa sagot nya. Hinampas pa nito ang katabing si Vester sa balikat dahik tawang tawa sya. Masyado syang happy

Nang makabawi ng hininga ay tiningnan nya ang dalaga "I mean, bakit ka nandito sa office ko?"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now