Nakatayo lang ako dito sa stand table habang pinapanood ang mga kasama kong nagsasaya. Ang dami nilang ilaw na nilagay sa paligid ng pool at ang lakas ng tugtog.
Ang saya nilang lahat. Sanaol
Napatingin ako sa likod ko nang may tumapik sa balikat ko. "Nakapag usap ba kayo?"
Tinanguan ko si Pau at saka ininom ang wine sa glass wine na hawak ko. "Base sa mukha mo, hindi ka okay"
I nodded. Hindi talaga
"Kung ramdam mong wala na talaga, let her go. Kung gusto mo syang maging masaya, let them be. Pero daanan mo lang yan. Wag mong ikulong sarili mo sa lungkot." He smiled and patted my shoulder again. "You will be happy again. Not now, but soon?"
Natawa ako sa sinabi nya. "Bakit patanong? Gago ka ba! Ayaw mo yata akong sumayang hayop ka" tumatawa sya habang naglalakad palayo sa akin.
Napatingin ako sa relo ko. 6:50 na pala. Baka nagreready na silang umalis. Nakita ko pa si Paul kanina na kausap yung mga staffs nitong resort bago magstart ang party.
*cries* napatingin ako sa gilid ko at nakita si Lisha na umiiyak. Nilapitan sya kaagad ni Sharmaine na nag aalala. "Bakit, baby? Bakit umiiyak?"
Hindi ko nanaman mapigilang hindi maisip yung anak namin. Kung nabuhay kaya sya, ganito kami ngayon ni Alex? O masaya kami? Gusto ko rin naman ng pamilya pero mas gusto ko kay Alex sana. Sakanya parin. Sya lang naman
"Ma, talo nanaman po ako!" Natawa si Sharmaine at saka kinuha ang phone mula sa anak nya. "Laro lang naman yan eh. Sige try mo ulit. Try and try until you succeed, nak."
Napatalikod ako agad at saka naglakad palabas ng hotel.
Nakatayo lang ako sa isang gilid dito sa labas. Try and try until you succeed. *smirk*
Pano mo itatry kung game over na? Sa mga laro ka lang naman pwedeng magrestart eh. Sa totoong buhay, kapag tapos na, tapos na. Hindi mo na mababalikan yung mga nangyari at hindi mo na yun pwedeng balikan para palitan ang choices or decisions na ginawa mo. Wala kang magagawa kundi iaccept at ipagpatuloy ang buhay.
Hindi mo rin naman mababayaran ang tadhana para maitama yung mga nagawa mong pagkakamali noon. May mga bagay na pwede mong subukan ulit at may mga bagay na hindi na talaga pwede.
Sabi ni Ken, agawin ko kasi hindi pa naman kasal. Men, kung kami, kami talaga. Kahit kasal pa yan, kung kami talaga, gagawa si tadhana ng paraan. Hindi mo pwedeng idaan sa santong paspasan dahil baka makagawa ka nanaman ng pagsisisihan mo sa bandang huli.
Baka ibalik pa sayo yung mali mo at lalo ka lang magsisi.
Ito nanaman tong nyetang mga luha ko. Iniisip ko lang naman eh. Bakit ba ganito to?
Nakatayo lang ako mula sa malayo habang pinagmamasdan si Alex at Clarenz na naglalagay na ng mga gamit nila sa sasakyan.
Gusto ko lang syang makita. Last naman na to. Tapos na eh.
Lumapit si Paul sakanila at saka kinuha ang bag na dala dala ni Alex. Kung inaalagaan naman nya ng mabuti, okay lang. Atleast sa mabuting kamay sya mapupunta, diba?
I accept my defeat. Baka sa susunod na dadating, maipanalo ko na. Kailan pa kaya yon? Ah baka next life kapag nagkita ulit kami ni Alex.
Kung sa laro pa, lumaban naman ako ng patas. Di naman ako nandaya. Sya lang siguro talaga ang maswerte na nanalo. Bahala na si tadhana sa plano nya para samin at sakanila.
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...