26 | New

117 9 18
                                    

1 year later

Luke's PoV

"Daddy, chocolate!"

"Hindi ka pa naglunch"

"I want chocolaaaaate!!"

"Sigesige. You will eat lunch first then bibili tayong chocolate, okay?"

"Yeheeeey!!!!"

Nagtatalon si Lisha kaya natawa ako ng kaunti. Ang cute! Tumingin ako kay Sharmaine na nakatingin lang din sa anak nya.

Napatingin sya sa akin at ngumiti. "Luke, thank you talaga a?"

Napailing iling ako at saka kinaway kaway ang kamay. "No, you don't need to thank me. Bakasyon naman talaga to for employees eh. Kaya dapat talaga kasama sila"

Napatingin sya sa asawa nya at saka yun nginitian. Nagpaalam silang dalawa sa akin at saka na naglakad palayo para maghanap ng makakainan.

I just looked at their back while they are walking. Hawak hawak nila sa magkabilang kamay nila si Lisha kaya napangiti nalang ako.

Kung nabuhay siguro yung anak ko, 6 months na sana sya ngayon at kasama ko sana silang dalawa ni Alex.

After ng ilang buwan na subsob sa trabaho, me and my three friends decided na ilabas ang mga empleyado sa kompanya. This is our way to thank them for their hardworks. Ang daming naachieve ng business dahil sa tulong nila.

Dinala namin silang lahat dito sa Zambales. Subic, Olongapo, Zambales to be exact. Nakacheck in kami dito sa Le Charmé Suites. Magastos pero worth it naman. Lahat ng empleyado, pinayagan naming magsama ng family member kaya si Sharmaine, secretary ko, kasama nya ang husband and daughter nya.

"Napag-iiwanan na yata tayo ng panahon a? Bakit halos lahat ng employees natin, may mga kasama asawa at anak?" Natatawang bungad sa akin ni Vester pagkalapit nya sa pwesto ko. Nakaupo lang ako sa mga upuan sa tabi ng pool.

"Maghanap ka na, pre. Baka tumanda ka nang binata" sagot ko kaya tumawa sya bigla. Tiningnan nya ko at saka binigyan ako ng mapang asar na ngiti. "Wow a! Parang ikaw, hindi?"

"Meron na ko eh. Reserved na"

He laughed at me and shrugged his head. "Reserved daw. Bakit may balak ka na bang balikan sya?"

Natahimik ako sa tanong nya. May balak ako, matagal na. Pero hindi ko alam kung pwede na ba. Okay na kaya sya?

"Hindi mo pa ba sya talaga nakikita after that night?"

Umiling ako. We promised kasi. Tumutupad ako sa pangako ko kaya kahit kating kati akong makita sya, kahit miss na miss ko na sya, hindi ko sya pinuntahan. Nirerespeto ko yung desisyon nya kasi ganon ko sya kamahal. Ganon ko parin sya kamahal.

Vester patted my shoulder, "Alam kong miss mo na."

"Sobra. Okay na kaya sya? Fully healed na kaya sya?"

Marami talaga akong tanong eh. Pero hindi ko yon masasagot hangga't hindi pa kami nagkikita ulit.

"Eh anong plano mo?"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now