Luke's PoV
"Luke!!" Napatakbo si tita palapit sa akin at saka ako niyakap ng mahigpit. Napatingin naman ako kay Alex na nasa tabi ko lang. "Ma" bawal nya kaya napailing ako.
I hugged tita back, "namiss mo naman po ako masyado, tita" natawa sya tsaka ako binitawan. Pinagpag nya ang bandang balikat ko. "Ay nako sorry. Nagluluto kasi ako, amoy usok nga pala ako!
Iginiya kami ni tita papasok sa bahay nila. Kinakawayan pa ko ng mga batang nakalaro ko dati. Buti naman kilala pa nila ako. Kailan kaya nila ako ulit pipiliting maglaro?
Binati rin ako ni Clarenz na busy habang nagsasagot ng mga assignments nya.
"Okay na kayo?" Nagkatinginan kami ni Alex dahil sa tanong ng mama nya. We both smile and nod.
"Kayo na?!" Parehas kaming natawa dahil gulat na gulat ang facial expression nya.
Si Alex kasi, sinagot ako agad. Hindi pa nga ako nagsisimula eh. Gusto ko pa namang maranasang manligaw kasi wala pa naman akong niligawang babae sa buong buhay ko. Madalas lang akong manligaw ng mga kliyente.
Gusto kong maranasan kaya araw araw ko syang liligawan kahit kami na. Napahawak ako bigla sa tenga ko. Kinikilig ako sa mga naiisip ko -,-
"Ma, dumaan lang kami kasi sabi nya gusto ka daw nyang makita. Kailangan ko nang buksan yung boutique, kailangan narin nyang umalis kasi may trabaho pa sya"
Nagpaalam narin naman kami agad kay tita. Sabi ko naman kay Alex okay lang kung hindi ako makapasok today kasi hindi pa naman kami masyadong busy. Ayaw naman nya. Pinapalayas na ko agad
"Ihahatid kita sa boutique"
"Wag na"
"Pinapauwi mo na nga ako agad, ayaw mo pa magpahatid? Ihahatid lang kita tapos uuwi na ko agad"
---
Pinahinto nya ang sasakyan kaya napasilip ako sa labas.
'Athena's boutique'
"Athena?"
Tumango sya bago buksan ang pinto sa tabi nya. Bumaba sya ng kotse kaya bumaba rin ako. "Sino si Athena?" I ask habang binubuksan nya ang pinto.
"Kung nabuhay anak ko, yan ipapangalan ko sakanya"
"Eh pano pag lalaki?"
"I will name him after yours"
Gusto kong umiyak. Hindi ko alam yung isasagot ko kaya sumunod lang ako sakanya nang pumasok sya sa loob.
Nagtayo pala sya ng sarili nyang boutique. Ang daming magagandang designs ng damit dito sa loob kaya napatingin ako sakanya. "Designs mo to?" She nodded.
Wow. May talent sya! Ang gaganda! "Bakit naging secretary kita? Dapat sa designing team ka dinala!" Natawa sya sa sinabi ko. Anong nakakatawa? Totoo naman eh!
"Kaya kayo nag open ng interview, para maging secretary mo eh"
Oo nga pala. "Ipapasok kita ulit sa company. Sa desi--"
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...