31 | Year ago

83 3 3
                                    

Luke's PoV

"Okay ka na?" Tanong ko habang umiinom sya sa bottled water na dala ko. Nakaupo lang kami sa lupa habang dinadaanan kami ng malakas at malamig na hangin.

Ilang minuto nang nakalipas pero ang lalim parin ng paghinga nya.

Akala ba talaga nya tatalon ako? Kinabahan ba sya?

"Hmm" tumango sya matapos takpan ang bottle.

Napatingin ako sa kabilang side ko nang kalabitin ako ni Clarenz. "Kuya, ikaw? Okay ka na?"

Napangiti ako sa tanong nya. Buti pa tong batang to ang bait sakin.

"Okay na ko. Nalabas ko na lahat kanina" ngumiti sya at saka sinilip ang ate nya na nakaupo sa kabilang sige ko. "Kinabahan yan si ate"

"Manahimik ka, Clarenz"

I smiled and looked at Clarenz. "bakit kaya sya kakabahan no?"

Kinindatan nya ko at pasimpleng tiningnan ang ate nya. "Hindi ko rin alam, kuya. Baka may feelings"

Hahampasin sana sya ni Alex pero nagtago sya sa likod ko. "Kuya oh!!! Mananakit pa!!!"

Natawa ako sa inaasal ng dalawa. Atleast si Clarenz, hindi ako iniiwan. Sabi nya mas komportable syang kausap ako kesa kay Paul. Kaya may chance pa ko. Sakin yung kapatid eh.

"Bakit ka ba kasi nandito?" Tanong ni Alex kaya napangiti ako nang mapang asar. "Ikaw bakit kayo nandito? Sinundan mo ko no?"

"Hoy hindi ahh!!!"

"Nakita ko kayo kanina sa parking bago ako lumabas ng hotel"

Napaiwas sya ng tingin. "Hinihintay namin si Paul non"

Paul nanaman

"Sige nga, nasan si Paul?"

Kinalabit ako ulit ni Clarenz at saka bumulong. "Sabi nya hindi kami aalis nang wala si kuya Paul pero bigla nya kong pinasakay sa kotse tapos nagmamadali sya kanina"

"Clarenz! Naririnig kita!"

"Bakit ate? Totoo naman",

"Bakit ba sagot ka nang sagot? Hindi ka naman ganyan dati!!!"

Nagulat ako nang tumayo si Alex at halata sa mukha nyang galit na sya. Nilingon ko si Clarenz na tumayo narin.

"Hindi karin naman ganyan dati!"

"Sumasago--"

Nahinto sa pagsasalita si Alex nang tumayo ako. Bakit ba sila nag aaway? May nangyari ba nung nawala ako? Hindi naman sila ganito dati.

"Clarenz, hindi ka dapat ganyan sumagot sa ate mo" mahinahon lang ang pagkakasabi ko at saka sya nginitian. Kumalma naman ang itsura nya at mangiyak ngiyak na yumakap sa akin.

"Magsorry ka. Hindi ka dapat sumasagot ng pabalang" umiling iling sya habang nakasubsob ang mukha sa tyan ko. He cried loudly.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now