18 | Adjust

90 6 12
                                    

Napaikot ako at naghanap ng magandang pwesto. Sobrang naninibago ako sa kwarto ko ngayon. Ilang taon din akong nakatira doon sa condo ko kaya siguro naninibago pa ko dahil iba ang ayos dito.

Kailangan ko nang matulog kasi may pasok ako bukas! Pero paano ako matutulog kung ayaw naman akong dalawin ng antok T^T

Tapos gusto ko pa ng ice cream. Kaso gabi na, baka wala nang bukas na mabibilhan sa baba. Hays

Try ko nalang matulog.

---

Napadilat ako bigla dahil sa panaginip ko. I wiped my tears and sniffed. Ayaw huminto ng mga luha ko.

Binangungot ako. Nalaglag daw si baby, nawalan daw ako ng trabaho tapos nagagalit daw sa akin lahat, pati si Luke. Lahat ng napanaginipan ko, parang totoo.

Hindi naman yun mangyayari. Kabaliktaran ng mga panaginip yung mangyayari sa totoong buhay diba? Oo, Alex. Kaya wag mong masyadong isipin.

Pero parang totoo talaga. Natatakot ako

---

Luke's PoV

Someone hugged me kaya napadilat ako agad ng mata. Ang ganda ng panaginip ko kasi nanganak na daw si Alex, nakuha nya yung mata at ilong, sakin nakuha yung labi kaso naputol bigla.

"Patabi"

Nakayakap sakin si Alex sa ilalim ng kumot. I'm so confuse right now. Bakit sya nandito? Bakit sya mangyayakap? Hindi naman sya ganito.

Hindi naman sa nagrereklamo pero hindi ko naman naisip na makakaya ni Alex pasukin ako dito sa kwarto at tsaka yayakapin ako ng ganito kahigpit.

"Hmm? Bakit?" I asked kaya napatingala sya sa akin. Kahit medyo madilim, kita ko yung mata nyang nagtutubig.

Para syang iiyak. Pero bakit?

"Nanaginip ako. Nightmare. Natatakot ako baka magkatotoo"

I brushed my finger through her hair at saka ko inayos ang higa nya sa braso ko. "Nightmares are not real. Wag mong masyadong isipin. Hindi yun mangyayari"

I tried my best to comfort her kasi it's my first time. Nakakagulat lang din na ako ang nilapitan nya ngayong takot sya

I mean, pwede naman syang tumawag sa friends nya, diba? Pero she chose to look for me. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sakanya. Baka naman mahulog ako ng sobra, hindi na ko makaahon.

Siguro dahil narin sa sensitive sya kaya lagi syang nag ooverthink. Lagi nalang nyang pinapanguhan yung nga bagay na hindi pa naman nangyayari.

Sabi nga ni Ken sakin kanina na baka hindi ko lang napapansin yung pagbabago nya ng mood kasi hindi ko pinapansin.

---

Nagising ako na ganon parin ang pwesto namin. Napangiti lang ako kasi bakit ako natutuwa?

Para kasi kaming mag asawa.

Balik trabaho nanaman kami kaya dahan dahan akong kumalas sa pagkakayakap nya sakin. Dahan dahan lang para hindi muna sya magising.

Lumabas ako ng kwarto ko to cook breakfast. Nagtry akong gumawa ng pancake and ayos naman ang kinalabasan. Ngayon lang ako nagkaroon ng kasama dito after how many years na mag-isa. Hindi naman talaga ako nagluluto ng breakfast pero syempre kailangan kumain ni Alex for her meds.

Then naalala ko yung mga bilin ng doktor kay Alex at sa akin dahil ako nga ang kasama nya nung check-up. Nakalimutan kong bumili ng gatas na sinasabi ni doc. Mga gamot lang nya ang nandito.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now