9 | Game

85 6 11
                                    


Gulat na gulat si mama nang sabihin ko sakanyang buntis ako. Nanlalaki ang mata nyang nakatitig sa akin at kay Luke na nasa gilid ko.

Dumiretso kami kaagad sa loob pagdating namin at agad kong sinabi sakanya. Para matapos narin tong kaba ko.

"Boyfriend mo sya?" Tanong nya sabay turo sa katabi ko. Napailing iling ako agad pero napatingala ako bigla nang akbayan nya ko. Magsasalita na sana sya pero agad akong sumigaw. "Hindi ma! Hindi"

Hindi ko alam kung anong iniisip ni mama ngayon basta nakatitig lang sya sa amin. Inaalis ko rin ang kamay ni Luke sa balikat ko. May balak ba syang sabihin sanang girlfriend nya ko? Nope. Di naman siguro

Nanlamig ang katawan ko nang bigla nya akong sampalin. Napahawak pa ko sa pisngi ko sa sobrang sakit at parang mabibingi ako dahil sa lakas. Mukhang nagulat din yata si Luke dahil agad nya kong hinila at inilagay sa likod nya.

"Punyeta ka ang landi mo! Lumapit ka dito!" Pilit akong inaabot ni mama pero pilit din akong iniiwas ni Luke sakanya.

Hindi ko narin alam kung ano pang nangyari basta naramdaman kong may humila ng buhok ko kaya bumagsak ako sa sahig.

---

Luke's PoV

"Wag kang makielam dito! Lumabas ka!"Sigaw ng mama ni Alex sabay turo sa pinto. All I can see on her eyes is anger. Galit sya

"Don't hurt her po, tit---"

"Wag mo kong maenglish english dyan! Labas!" Magrereklamo pa sana ko nang hawakan ako ni Alex sa braso dahilan para mapalingon ako sakanya.

"Lumabas ka muna. Ako'ng bahala dito" ngumingiti pa sya? No! "No baka kung anong mangyari sa--"

"Please."

Ayoko. Baka mapano sya. I just stared at her pero tumango sya at tumingin sa pinto. She mouthed 'please' kaya wala akong nagawa.

Tiningnan ko lang si tita at kahit labag sa loob ko, i stand up and leave them there. Dito lang ako sa pinto.

I saw her mom sat beside her and slapped her face again. Mangiyak ngiyak na si Alex pero hindi ako makalapit. Gusto ko silang lapitan pero ayoko ring makisali sa away mag-ina. And the way Alex smiled and looked at me kanina, alam kong alam nya ginagawa nya.

Pero kung sobra na I won't hesitate to help her. Baka mapaano pa ang baby ko.

She slapped her face two times pero bawat sampal, pahina na nang pahina. Then tita cried, they're both crying right now.

"Bakit? Akala ko ba magpapakasal ka muna? Panatag ako na malayo ka kasi paulit ulit mong sinasabing magtratrabaho ka muna para sa future ng pamilya!"

"Sorry, ma. Sorry"

"Sya ba tatay nyan? Yung lalaking yun ba?"

I saw Alex nodded and said sorry multiple times. Gusto ko silang lapitan at magsorry ng paulit ulit. Tanga kasi ako. Ang laki ng kasalanan ko sa mama nya at kay tita, sa pamilya nya.

"Napakalandi mong bata ka. Ang laki ng tiwala ko sayo"

After namin mag-usap sa condo nila few days ako, kinausap ko pa si Justin before ako umuwi. Tinanong ko sakanya kung bakit parang takot na takot syang pumunta si Alex mag-isa dito at sabihin sa mama nyang buntis sya.

And yeah, sinabi nya  sa akin. Sinabihan pa nya akong wag kong iiwan si Alex once na nalaman na ng mama nya kasi hindi nya alam kung anong magagawa nito sa kaibigan nya.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now