13 | Back

88 7 3
                                    


Alex's PoV

Tapos na ang 1 week sick leave ko at maaga talaga akong nag ayos para makapasok na ng trabaho. Excited akong makita ang mga kasama ko sa trabaho!

Sinabihan na ko ni Luke na hindi nya sinabi kila Marie na buntis ako. Ako na daw ang bahala kung sasabihin ko ba o hindi. When he said that, nakaramdam ako ng saya. Atleast may respeto sya sa mga gusto ko at natandaan nya yung sinabi ko last time na wag munang sabihin sa iba.

Ihahatid ako ni Justin sa office bago sya pumunta sa company nila.

"Are you going to tell them?"

Napalingon ako sakanya nang magtanong sya bigla. Nakatutok lang ang tingin sya sa daan.

"No"

Saglit syang napatingin sakin pero agad ding binalik ang tingin sa kalsada. "Bakit? Paano pag lumaki na yang tyan mo?"

"Hindi ko pa alam. Pero kung mapansin man nila, sasabihin ko. Pero I will never ever tell them na si Luke ang tatay"

---

"Dadaanan ba kita dito mamaya o ihahatid ka ng boss mo?"

Napatingin ako sa paligid nang itanong nya yon. Gosh Justin! Nasa tapat tayo ng company baka may makarinig sayo!

"I'll text you later. Salamat"

Pagkaalis nya, pumasok na ko sa loob ng company. Nakaflats naman ako kaya hindi ako mahihirapang maglakad.

Pinagtitinginan ako ng mga employees na madadaanan ko kaya binabati ko lang sila ng good morning.

It's nice to be back! Namiss ko ang amoy ng company.

Nakaakyat naman ako ng tahimik kahit pinagtitinginan ako ng mga kasama ko sa elevator. Namiss siguro nila ko? Hahaha

"ALEX!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Marie. Buti nalang exclusive itong floor na to sa apat na CEO ng kompanya kaya wala akong kasabay.

"Hoy gagi namiss kita! Ayos ka na? Hindi na masama pakiramdam mo?!" Hinawakan nya ko sa magkabilang kamay habang tumatalon talon.

Napatingin ako sa likod nya at nakasilip doon si Pau, Vester at Ken sa pinto. Narinig siguro nila si Marie dahil sa lakas ng boses nitong babaitang to.

"Okay na ko. Don't worry." Ngumiti ako para katanggap tanggap naman ang sagot ko.

"Welcome back, Alexandra! Bumalik ka na sa pagkajologs mo a" asar ni Ken kaya napatingin ako sa suot ko. I'm wearing jeans and blouse. Oo nga no? HAHAHAHA

"Aga mo a. Naunahan mo pa si Zeira" sabi ni Vester. Nginitian lang ako ni Pau kaya ngumiti lang din ako.

Konting kamustahan lang. Namiss ko rin kausap tong tatlong boss at si Marie. Wala pa kasi si Jella at Zei. Masyado talaga akong maaga.

Umupo ako sa desk ko at napatingin sa paligid. Kung anong itsura nito nung iniwan ko, ganito parin ngayon. Namiss ko tong upuan ko.

Inayos ko ang table ko at hindi rin nagtagal, naaninag ko na si Luke na naglalakad palapit dito.

He smiled and hahawakan na sana ang tyan ko nang tingnan ko sya ng masama. "Nasa office tayo"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now