Alex's PoV
Nagdadabog si Clarenz kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Sige na kasiiiii! Gusto ko lang naman maghiking!"
"Hindi!"
"Sige na ateeeee!!!!!!"
Bwiset.
---
"Hintayin natin si kuya Paul mo magising bago tayo umalis"
Napasimangot sya kaya pinitik ko ang noo nya. Itong batang to napakareklamador!
"Hayaan mo na si kuya kaya na nya sarili nya. Susunod naman yon"
"Hoy bata ka sumosobra ka na a!"
"Ate naman kasi puro ka Paul. Hindi ka ba mabubuhay ng hindi binabanggit pangalan nya?! Mamamatay ka ba pag hindi mo sya kasam--ARAYYYY!!!!"
ISANG SALITA PA NITONG BATANG TO BABATUKAN KO TALAGA ULIT SYA.
Sisigawan ko na sana sya nang may lalaking lumabas at naglakad papunta sa kotse nya. Nagdrive sya ng mabilis palayo.
"Kailan uwi nila kuya Luke mo?"
Napangiti si Clarenz sa tanong ko at saka ako tinusok sa tagiliran. "Bukas. Yhieee. Ikaw ate ah. Hindi naman ako magrereklamo kung puro si kuya Luke babanggitin mo oras oras"
Bwisit ka talagang bata ka. Itapon kita sa bangin eh. Joke -,-
Naglakad ako papunta sa nirentahan kong kotse at saka sumakay doon. "Dali sakay"
Lulukso lukso syang lumapit sa kotse at sumakay. "Sabi mo hihintayin natin si kuya."
Hindi ko na sya sinagot at saka nalang nagdrive. Ang bilis magpatakbo ng sasakyan si Luke baka mapano yon. Zigzag pa naman ang daan dito dahil mabundok dito sa lugar.
---
I saw Luke's car kaya napatigil ako sa gilid. Nandito yung kotse nya sa gilid ng kalsada at may maliit na daan paakyat sa tinigilan naming lugar.
Napatingin ako doon at saka napahinga ng malalim. Susundan ko ba? Sya lang mag-isa
"Dito tayo maghahiking ate?! Tara naaaaa!!!!!"
Hinatak ako ni Clarenz kaya nagpahatak nalang ako sakanya. Wala naman sigurong masamang sumunod. Tsaka gusto rin naman ni Clarenz maghiking.
"Ate bilis! Ang bilis mo namang mapagod" hingal na hingal na ko pero sya, tumatakbo pa pataas. Ewan ko nalang talaga sayo Clarenz. Tingnan natin kung hindi sumakit katawan mo mamaya.
"Hala ang gandaaaa!!!" Sabi nya sa akin at mukhang tuwang tuwa nang makita ang magandang view. Ang ganda nga. Pero nasan si Luke?
Nandito na kami sa tuktok at sobrang lakas ng hangin. Malamig narin. Kitang kita yung mga ulap na nasa bandang baba lang namin.
"AHHHHHHHH!!" Nagkatinginan kami ng kapatid ko dahil sa sigaw na yon. Sobrang lakas at nagecho pa sa paligid.
"Dito ka lang" bilin ko sakanya kaya tumango sya. Naglakad lang ako ng konti paabante at nakita ko si Luke na nakatayo sa isang peak at nakatingala.
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...