Paano ako kakalma kung meron na palang may alam?! Kinabahan ulit ako pero mas malala parin yung kaba ko sa dad nya kesa dito sa tatlo. Pero parehas lang na kaba yon.
I stared at Luke na parang nagtatanong kung bakit. Akala ko ba wala syang pinagsabihan? Paanong alam nung tatlo?
Nakaupo parin kami at nakatalikod sakanila pero ramdam ko yung mga titig nila sa akin.
Magsasalita na sana ko pero halos mapatalon ako sa gulat nang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko sa likod, si Pau.
"Kami na dyan, Lex. Umupo ka na muna don"
---
Di ko na sila tinanggihan kasi nanginginig ang mga kamay ko. Nakatitig lang ako kay Pau, Luke at Ken na nililinis ang kalat na nagawa ko.
"Nasabi ni Luke na ayaw mo daw ipasabi sa iba?" Bigla akong napatingin kay Vester na nakaupo sa tabi ko.
"Hindi sya yung nagsabi samin. Si tita"
Tita? Mommy ni Luke? Bakit?
"Nagulat din kami nung nakaraang araw kasi tinext nya kaming tatlo. Magkakaibigan na kasi kami mula bata kaya nanghihingi sya ng tulong to help you two dahil mga first time parents kayo"
Napayuko ako sa mga sinabi nya. Tanggap talaga ni tita itong apo nya. Sabi pa nya sa akin nung pumunta kami doon, wag daw akong mahihiyang magtanong sakanya kapag meron akong hindi maintindihan sa pagbubuntis ko. Sobrang bait
"We heard na nagalit si tito?" Tanong nya ulit kaya napatango ako. He patted my shoulder at napatawa ng bahagya.
"Mabait naman si tito. Ayaw lang nya talaga yung sinusuway sya. Don't worry matatanggap nya rin, not now but soon. Hindi nya matitiis ang anak at apo nya. Trust my words"
---
Pasilip silip lang ako sa loob dahil nagmimeeting silang apat doon. Baka lang kasi tawagin ako ni Luke at baka may iutos sa akin kaya napapatingin ako.
Napatingin ako sa hallway kasi may papalapit sa pwesto ko. Si Jella
"Hindi pa sila tapos?" Napailing ako at saka tumingin kaming dalawa sa loob. "Mukhang busy pa nga. May dumating kasing parcel si Luke at Ken. Need nilang ireceive"
Eh busy pa sila.
"Pwede bang tayo nalang kumuha?"
Napatango sya sa tanong ko at saka pinakita sa akin ang ID nya. "Pwede kong kunin yung kay Ken. Pero ikaw dapat kumuha nung kay Luke."
Napatango nalang ako at saka tumayo. Kami nalang kukuha kasi busy pa sila doon sa loob.
Bumaba kaming dalawa para puntahan ang delivery man na naghihintay daw sa harap ng building.
Everyone is still looking at me kaya nakakapagtaka na talaga. Kaninang umaga tanggap ko yung mga tingin nila kasi matagal nga naman akong hindi pumasok pero ngayon, bakit parang may mali?
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...