40 | Right Choice

138 10 8
                                    

Iniwan na ko ng mga bata at nauna naring pumasok si Alex sa loob ng bahay nila kaya kinuha ko ang phone ko to call them.

"Ken, nasan na kayo?"

"On the way na. Dinaanan lang namin sandali sila tita at tito. Tapos sila Marie, nakasakay dun kay Justin."

"Ah sige. Wag mong kakalimutan yung flowers!"

"Oo na!"

Pinatay ko ang tawag at saka na pumasok. Nagkatinginan kami ni tita at saka kami nagtanguan.

Ngayon ako magpropropose kay Alex. 3 months palang kami, oo pero gusto ko paglabas ng anak namin, kasal na kami. Matagal ko rin tong pinaghandaan kaya sana um-oo sya.

"Nak, nabalitaan mo ba? Umuwi si Paul a?"

Napatitig si Alex kay tita at saka ngumiti at tumango. "Tagal din nyang di nauwi a?"

"Baka pumunta yon dito mamaya kapag nachismis na ng mga kapitbahay natin na nandito ka" natatawang sabi ni tita.

Paul? Sinong Paul?

Nahalata naman yata ni Alex kaya nilapitan nya ako at hinalikan sa labi. That makes me smile. "Kababata ko si Paul, love."

Tumango lang ako. Kababata lang pala. Baka umalis sya kaya sabi ni Alex matagal ding hindi nauwi dito.

"Kasama ni ate yung boyfriend nya!!" Pumasok si Clarenz kasama ang isang lalaki. Nakangiti yung lalaki at saka pinitik sa noo si Clarenz. "Oo nga paulit ulit ka! Bibisita lang naman ako!!"

"Paul! Uy long time no see!" Lumapit si Alex kay Paul at saka sila nagbeso. Nginitian ko naman sya nung tumingin sya sa akin. "Laki na ng tyan mo a? Blooming ka rin! Babae ba yan?"

Alex nodded at saka ako nilapitan ni Paul. "Congrats, pare!" Nagmanly hug kami kahit hindi ko pa sya kilala. Kababata naman to ni Alex. Tsaka mukhang close sila.

"Paul Salas nga pala, pre"

"Luke Cullen Santos"

Napatingin sya kay Alex at saka tumawa. "Alexandra Santos?"

"Heh! Hindi pa naman kami kasal, wag kang epal!!!"

Natawa ako sa sinabi nya. Soon magiging Alexandra Santos ka na, love. Don't worry HAHAHAHA

---

Hapon na at nagtext na sila Ken na naliligaw sila dahil ang pangit daw ng drinawing kong map. Hindi naman yun pangit. Ang linaw linaw kaya ng direction ko! Di lang talaga sila makaintindi ng magandang drawing.

Tanga tanga meron namang google map eh.

Hindi rin naman nagtagal,may bumusina na sa labas. Lumabas ako at napansin naman ako ni Alex pero di na sya sumunod.

"Ang tagal nyo naman!"

"Pasensya na a! Hindi kasi namin kabisado yung daan a!!!" Sigaw ni Ken kaya napasenyas akong wag maingay. Nilagpasan ko sila at saka pinuntahan ang sinasakyang kotse ni mom and dad.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now