8 | Luke

109 7 9
                                    


Napatigil si Alex sa pag aayos ng higaan nya nang pumasok bigla sa loob si Luke. May dala itong tray na may nakapatong na gatas, tubig at gamot.

"Hindi ka pa uuwi? Nakasuit ka pa" puna nya nang mapansing hindi pa nakakapagbihis ang boss nya. Suot parin nito ang suit na suot nya kanina sa event.

"Dumiretso ako agad dito pagkatapos ng fashion show"

Iniabot sakanya ng binata ang tatlong gamot kaya napatingala sya. "Tatlo?"

Tumango tango ito kaya wala syang nagawa kundi inumin yun nang sunod sunod. Matapos nyang inumin ay ipinatong ni Luke ang tubig sa lamesa at saka hinalo ang gatas.

"Hindi mo naman to kailangang gawin. Kaya ko sarili ko."

"That's my son"

Natawa sya sa sinabi ng binata. "Sure ka? Son? Alam mo na agad gender?"

Natawa rin si Luke. Gusto nya kasi ng son. "Pero seriously, wag mo kong itaboy. Wag mong sarilinin"

"Pero kaya ko naman"

"Anak ko rin yan. Wag mo kong tanggihan kasi gusto ko lang namang maalagaan sya"

Napapangiti nalang si Alex habang naririnig nya ang mga sinasabi nito. Malayong malayo sa Luke na seryoso at masungit kapag nasa trabaho. Ang soft nyang magsalita ang sarap panggigilan.

---*Alex's PoV*

Anong nangyayari sakin bakit gusto kong pisilin pisngi nya. Huhu

"Oh. Inumin mo na. Anong oras tayo aalis sa linggo?"

Epekto ba to ng paglilihi ko? Ganito ba kapag naglilihi? Oo feeling ko rin ganito nga pag naglilihi.

"Alex"

Ayan tapos lalapit pa sya. Pero kidding aside, hindi ko talaga inaasahan na buntis ako. Oo nahihilo ako lagi, may morning sickness ako, nagkecrave ako ng mga foods pero ni minsan hindi sumagi sa isip kong buntis ako.

Nakalimutan ko na kasi yung nangyari. I mean, hindi na sya laging pumapasok sa isip ko dahil sa trabaho. Speaking of trabaho, ano na kayang nangyari sa event kanina? Successful kaya?

"Alex, ano ba yang iniisip mo bakit tulala ka?"

Napatingala ako kay Luke nang pitikin nya ang noo ko. Aray ah medyo masakit! Pero ha? "May sinasabi ka ba?"

Natawa sya ng konti at umupo sa tabi ko. May hawak syang gatas. "Kanina ko pa inaabot sayo tong gatas mo, tulala ka"

Hinawakan nya ang noo ko kaya napatitig nanaman ako sakanya. Pogi pala ni Luke? Ngayon ko lang napansin. "Wala ka namang sakit. Magpahinga ka nalang muna siguro. Inumin mo na muna to"

Inabot nya sakin yung gatas kaya ininom ko nalang kaagad. Ayoko sana kayalang sabi nya para daw sa mga buntis itong gatas kaya sige nalang. Para sa baby.

"Susunduin nalang kita dito sa linggo ng umaga."

Napatango nalang ako. Syempre hindi naman sya papayag na hindi sya kasama. Pinag awayan na namin yan kanina.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now