28 | Talk

77 6 10
                                    

Third Person's PoV

Dali daling nagtatakbo si Clarenz sa hallway ng hotel dahil madilim ba at sya lang ang tao doon. Natatakot kasi sya dahil ang creepy ng itsura at madalas nyang mapanood sa mga horror movies na may white lady lagi sa hallway.

Nakarating sya sa harap ng pinto ng kwarto nila ng ate nya kaya kumatok katok sya dahil nakalock ang pinto.

Bumukas ito at bumungad sakanya ang ate nyang kakatapos lang maligo.

"Saan saan ka nagpupupunta anong oras na" puna sakanya nito kaya napapeace sign sya. Hindi na nagsalita ang ate Alex nya nang pumasok sya sa kwarto at maupo sa kama.

"Ate, galing ako kay kuya Luke" kwento nya habang nagsusuklay si Alex. Napatango naman ito at hindi man lang sumagot

"Ate sabi ko galing ako kay kuya Luke"

"Oo nga narinig ko!"

Napasimangot si Clarenz dahil sa pagsusungit ng ate nya. Napatap sya nang paulit ulit sa kama habang hinihintay ang ate nyang matapos magsuklay. "Ate ang bagal mo namang magsuklay! Nagdadasal ka pa ba?"

Muntik na syang mabalibag ng suklay ni Alex pero hindi naman nya ito sinunod. "Sungit sungit mo naman ngayon. Affected ka lang kay kuya Luke eh"

Inirapan sya ng ate nya kaya natawa ulit sya. "Hindi ka pa ba magbibihis ate? Tagal mo naman kumilos"

Tumayo si Alex pagkatapos nyang magsuklay. Dinaanan nya lang ang kapatid nya at nangalkal sa bag nila ng pwedeng isuot na pangtulog.

"Kung gusto mo nang matulog, matulog ka! Ano bang pakielam mo sa pagbibihis ko?"

"Baka kasi dumating si kuya Paul!"

"Nakalock yung pinto"

"Ah sige very good"

Napatitig si Alex dahil nawiweirduhan na sya sa kapatid nya. Ano ba kasing meron at parang hindi sya mapakali?

"Ayan ate maganda yang pantulog na yan" sabi ni Clarenz nang itaas nya ang snow white silk sleepwear na dala nya.

Kumunot ang noo nya, "bakit ba nangingielam ka ng isusuot? Matulog ka na nga kanina ka pa!"

Hindi sya pinansin ni Clarenz. Napangiti pa nga tong bata nung yun ang napiling isuot ng ate nya. Nakabihis na si Alex kaya humiga sya sa kama.

Tinapik nya ang space sa tabi nya, "dito ka na matulog ka na" aya nya sa kapatid nya.

Humiga si Clarenz kaya agad nyang kiniliti ni Alex. Napatawa ng malakas ang bata nang pag aamuyin din sya nito.

"Bango bango ng baby boy ko na yan!"tumawa nang malakas ang bata dahil sa sinabi nya.

"Ate mabango talaga kasi jacket to ni kuya Luke. Bango no?" Napatigil si Alex sa pag amoy sa suot ng kapatid nya at napalayo bigla

"Ayhiee. Sabi na affected parin kay kuya Luke eh!"

"Matulog ka na"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now