20 | Lost

67 8 4
                                    

Alex's PoV

Pagkadilat ng mata ko, puting kisame agad ang bumungad sakin. Napatingin ako sa gilid at nakita ang nurse na may sinusulat sa tabi ko.

Automatic na hinanap ng mata ko si Luke. Bakit wala sya?

Napatingin ako sa tyan ko and caressed it. Ang sakit ng katawan ko. Para akong binugbog ng paulit ulit. I can't move

"Nurse, si Luke?"

Napatingin sya sa akin at mukhang nagulat sya. "Gising ka na! Wait tatawagin ko si Dok"

Imbis na sagutin ang tanong ko, mabilis syang lumabas ng room. Gusto ko lang namang malaman kung nasaan ba si Luke. Namimiss ko sya

I just stared at the ceiling hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok doon ang doktor, nurse at nasa likod nila si Luke. Napangiti ako nung makita ko sya

But he looks sad. Bakit? Namumula rin ang mata nya.

"Miss Alex, anong nararamdaman mo?" Bungad sakin ni dok kaya nalipat ang tingin ko sakanya.

"Masakit po katawan ko. Hindi ako makakilos ng maayos"

Napatango sya at saka tiningnan ang nurse na agad namang may isinulat sa hawak nyang paper.

Nalipat ang tingin ko kay Luke na hindi man lang lumapit sa akin. Nakatitig lang sya at wala man lang kaemoemosyon. Ano bang iniisip nya?

"Alex, listen to me carefully. Nahulog ang baby mo. Allow yourself to go through the grieving process, from shock, anger, guilt and depression to acceptance. It's okay"

Loading ang utak ko sa mga sinabi nya. Mga ilang segundo rin bago ko nagets ang mga sinabi nya.

Nahulog?

Napatingin ako sa tyan ko at hinawakan yon. I lost my baby?

My tears started to fall. Wala na yung baby ko? Tumingin ako kay Luke and nakatalikod sya sa akin. Tumingin ako kay dok and yung tingin nya is parang naaawa. Nginitian nya ko at saka tumango.

"Don’t blame yourself. This is something that happened to you, not something you did. Hindi mo kasalanan, okay?"

Hindi ko kasalanan? Kasalanan ko! Hindi ako nag-ingat. Kasalanan ko

"Pregnancy loss can be devastating. It changes your hopes and dreams for the future. But don't lose hope, may chance ka pa namang magbuntis ulit. Okay?"

No. No wala nang chance. Nagkamali lang kami. Hindi na kami uulit sa pagkakamali na yon. Pero kahit it was all a mistake, masaya kami sa kinalabasan. Pero ngayon, ano nang mangyayari?

I lost my baby. Paano ako makakamove on?

Napatingin ako kay Luke na hindi parin humaharap sa akin. Sorry. Sorry alam kong excited ka maging daddy. Sorry

---

Nakatitig lang ako sa kisame ng hospital room ko habang si Luke ay nakaupo sa sofa sa tabi ng pinto. Nakatulala lang din sya kaya hindi ko nanaman mapigilan yung luha ko.

Hindi ako nag-iingat. Ako yung dahilan kung bakit nawala yung anak namin. Dahil sakin kaya nagkakaganyan si Luke.

I can't blame him. Di ko sya masisisi kung hindi nya ko kayang lapitan. Parehas kaming nagluluksa ngayon kaya alam ko yung nararamdaman nya. Alam kong he's not yet ready to even look at me. Baka nga hindi nya na ko kayang tingnan dahil sa nagawa ko.

Kinapa ko ang phone ko sa table sa tabi ng bed ko. I want someone to talk to. Si Justin lang naman ang pwede kong kausapin.

"Alex. Sakto kakauwi ko lang sa hotel room ko. Bakit ka napatawag? Gabing gabi na a"

Napangiti ako nang marinig ko yung boses nya. Hindi parin tumitigil yung mga luha ko. Hindi ako makahinga ng maayos at parang sasabog yung puso ko sa sakit.

"Jah" Thankfully, I managed to find my voice. Nakapagsalita ako

"Umiiyak ka ba? Hoy anong ginawa sayo ni Luke?!"

"Jah"

"Gaga bakit nga?! Pinapakaba mo ko ah. Bakit ganyan boses mo? Ayos ka lang ba?"

Nakasinghot ako at napahinga ng malalim. Kaya ko to. Kailangan ko lang ng malalabasan ng sakit kasi hindi ko talaga kayang kimkimin.

"I-I lost my b-baby. Jah" napahawak ako sa bibig ko nang lumakas ang paghinga ko. Alam kong nakatingin sakin si Luke pero alam ko ring hindi nya ko kayang lapitan.

"What? Ano? Anong lost? N-nakunan k-ka?" Rinig ko ang panghihina ni Justin dahil sa tono ng boses nya. Natahimik sya at saka huminga ng malalim

"Lex. Alam na ba ni Luke?" Napatingin ako kay Luke nang itanong nya yon. Napaiwas ako agad ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

Nilabas ko lahat kay Justin ang nararamdaman ko. Binubulong ko lang naman at tinry na hindi mag ingay. Lagi nyang sinasabi na okay lang yan, wag mong sisihin yang sarili mo, at pilit nyang pinapalakas ang loob ko.

Pero hindi ko talaga kaya sa ngayon. Navivisualize ko na kasi yung mga mangyayari paglabas ng anak ko.

Kung kailan naman tinanggal ko ang mga negative toughts ko, ngayon pa to mangyayari. Kung kelan tinanggap ko na sa sarili ko at ready na kong sabihin sa lahat na magkakaanak na kami ni Luke, nawala naman sya.

Time. I need time. To heal myself physically and emotionally.

Dito narin siguro kami matatapos ni Luke. Wala na kaming way para magsama sa iisang bubong. Kaya lang naman kami nagkasama dahil sa anak namin. Ngayon, wala na sya, wala narin kaming rason para magkita.

Vester, Pau, Ken, Marie, Zei and Jella keep on texting me. Nababasa ko yung mga messages nila for me. Pinapalakas nila ang loob ko pero hindi ko kayang magreply.

Yung taong gusto kong magpalakas ng loob ko at magsabing okay lang, nandon sa sofa, hindi ako kinakausap, hindi ako kayang lapitan.

Luke please kahit isang yakap lang?

or kahit isang, 'okay lang'?

Ikaw kailangan ko sa sitwasyon ko ngayon.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now