25 | Night

85 5 12
                                    

Third person's PoV

Naglalakad lakad si Luke at Alex sa dalampasigan pagkatapos nilang kumain at mag usap.

Siguro para sa iba pinapahirapan lang nila lalo ang sarili nila. Gusto nila ang isa't isa pero bakit sila maghihiwalay?

Una sa lahat, walang sila. Ni hindi nga nila napag usapan kahit magkasama sila sa bahay. Luke is planning pero hindi nya natuloy mga plano nya kasi nawala yung anak nila.

Pangalawa, hindi na nila maintindihan ang isa't isa. They're trying pero mas masasaktan sila kung pilit nilang iintindihan ang isa't isa at makakalimutan na nila ang sarili nila.

Pangatlo, they really need a break. A real one. Hindi na sila makapag isip ng tama to the point na they're hurting each other kahit may nararamdaman na sila sa isa't isa.

Hindi sa lahat ng pagkakataon, dapat magkasama kayong maghiheal. They both need to fix theirselves bago bumalik sa gusto nilang tahakin na buhay.

Nakapikit lang si Alex habang hawak nya ang kamay ni Luke. Naglalakad sila at dinadama ang hangin nang tahimik. Pagkatapos nitong gabi na to, hindi na sila magkikita. Napagkasunduan na nilang dalawa yon.

"Saan ka pupunta after nito?" Tanong ni Luke kaya napadilat ang kasama nya. Hindi ito tumingin sakanya pero ngumiti ito.

"Dito na muna ako sa probinsya. Sigurado ka bang hindi ko na kailangang hintayin yung kapalit ko? I can work naman from home"

Nasabi ni Luke sakanya na kailangan nyang hintayin yung kapalit nya para makaalis na sya ng tuluyan sa kompanya. Pero pagkatapos nitong marinig yung side ni Alex, hindi na nya oobligahin ito na pumasok sa trabaho. Iaaccept na nya ang resignation at magpapainterview nalang ulit sa mga susunod na araw to find another secretary.

Umiling sya at saka mas lalong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Alex. "Okay lang. Nandyan naman sila Pau, manghihingi nalang ako ng tulong. You should rest"

Napatango nalang si Alex sa sinabi nya. "Ikaw? Saan ka?"

"Sa bahay. Pinapauwi ako ni mommy ilang linggo narin pero ayokong umuwi. Uuwi nalang siguro ako"

Alam ni Alex na kahit hindi sabihin sakanya ng mga magulang ni Luke, sobrang lungkot nila sa pagkawala ng apo nila. Hindi lang sinasabi ng tita nya pero ramdam nya yon. Walang ginawa ang mommy ni Luke kundi palakasin ang loob nya dahil ina sya at alam nya ang pagmamahal ng nanay sa anak. They can't blame her kung hindi sila maharap ni Alex ng maayos dahil sa nangyari.

Umupo silang dalawa sa buhangin. Kitang kita nila ang reflection ng buwan sa dagat.

"Alam mo ba, yung nangyayari satin, para yung reflection ng moon sa dagat" sabi bigla ni Alex kaya napatingin ang kasama nya sakanya.

"Nakikita natin yung reflection natin pero hindi malinaw. Iba na yung hugis ng buwan kapag sa dagat ka nakatingin"

Tumingin si Alex sakanya at saka ngumiti.

"Okay tayo physically. Pero deep inside, unti unti tayong nawawala sa shape natin dahil sa unexpected na alon ng buhay."

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now