Luke's PoVNakatingin si Alex sa likod namin habang nagdadrive ako pauwi ng condo. Tiningnan nya ko. "Baka nakakaistorbo ako kila Pau. Nakakahiya"
I smirked and wave my hand. "Wag kang mahiya. Hindi nila matitiis yang inaanak nila"
Mahiyain talaga sya no? Ang hilig nyang mag isip ng kung ano ano.
Nakasunod lang sa kotse namin ang mga kaibigan ko. Kanya kanya kami ng gamit ng kotse at bawat isa, may lamang gamit ni Alex. Mababait naman talaga yan, kailangan lang ng konting pangongonsensya.
Pa-hard to get lang talaga sila minsan pero tuwang tuwa sila nung nalamang magkakaroon na sila ng inaanak/pamangkin.
Nakarating kami sa condo at isa isang inakyat ang mga gamit. Pwede naman kaming magpatulong sana sa iba kayalang kasi sikreto pa nga muna to. Kaya mas mabuti nang yung mga nakakaalam lang ang tutulong.
Tsaka gusto ko silang mapagod. Damay damay na to. Minsan lang naman ako magrequest kaya lubusin na.
Kumuha si Alex ng isang maleta kaya kinuha ko yon sakanya. "Ako na"
Kinuha nya ulit sa akin. "Kaya ko naman! Ito na nga lang maitutulong ko"
Kinuha ko ulit sa kamay nya at saka ko tinuro si baby. "Baka mabigata--"
"Grabe ka naman. Kaya namang magbuhat basta wag lang mabigat! Akin na kasi"
"No"
Pagkapasok namin sa unit ko, pinaupo ko sya doon sa sofa. Bababa kasi ulit kami para kunin pa yung iba.
"Badtrip ba si Alex?" Tanong sa akin ni Vester habang nasa elevator kami pababa. Siniko naman ako ni Ken kaya napatingin din ako sakanya.
"Wag mong istressin." Sabi nya sa akin kaya kinunutan ko sila ng noo.
"Hindi ko naman inistress"
"Sya nakakaalam ng kaya at hindi nya kaya. Kapag sinabi nyang kaya nya, hayaan mo. Hindi naman nya ipupush kung alam nyang makakasama sakanya." Sabi bigla ni Pau at napatango ang dalawa.
Ayoko lang namang mapagod sya. Tsaka yun yung way ko sa pag aalaga.
"Hangga't pinagbabawalan mo yung tao, baka mastress naman sayo. Pre, moody mga buntis. Tingnan mo kanina nakasimangot" natatawang sabi ni Vester.
Alam ko namang moody talaga sila. Hindi naman ganon si Alex eh. Nakokontrol nya yung emosyon nya at hindi ko pa nakitang bigla syang nagbabago ng mood.
---
Alex's PoV
Puro bawal. Bawal magbuhat, bawal magpagod! Kaya ko naman eh! Gagawa ba ko ng ikakapahamak ng bata? Hindi naman!
So ano gagawin ko dito? Magpapakabuhay prinsesa? Hindi ko naman yata kaya yon. Kailangan may gawin ako para exercise narin.
Inilibot ko ang tingin sa loob. Malaki tong place nya at ang ganda rin ng color combination, white, black and red. Bagay sakanya.
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...