36 | Yes

94 5 13
                                    

"Pwede mong gamitin yung shower dun sa kwarto ko" sabi ni Luke sa akin pagpasok na pagpasok namin sa condo nya. Pwede naman kasi dun kay Jah ehhhh

"Hmm. Ano. Wala akong damit" pumasok sya agad sa kwarto kaya sumunod ako sakanya. Dun daw ako pwede magshower sabi nya.

Nangalkal lang sya sa closet kaya napaikot ako ng tingin. Ganitong ganito parin pala kwarto nya. Hindi nabago ang ayos ng mga gamit.

Nilapitan nya ko at saka may inabot syang mga damit. Napakamot sya sa batok at saka napangiti ng alanganin. "Wala akong panty---"

"MERON! Uhm. Ano...meron akong dala in case. Hehe"

Napaiwas kaming dalawa ng tingin. Kasi naman eh! Pwede naman nyang hindi sabihin kasi makikita ko naman mamaya kung wala ba kapag tiningnan ko mga binigay nyang damit. Awkward

At bakit ka naman mao-awkward, Alex?! Panty lang yon. Anokaba

Naglakad nalang ako papasok ng cr at saka na agad nagshower.

Pagkatapos kong magbihis ng binigay nyang onesie, muntik na kong mapatawa sa harap ng salamin. Bakit sya may onesie na dinosaur sa closet? Sinusuot nya ba to kapag matutulog sya? O collection? O may nakaiwan?

Napailing nalang ako at saka nakangiting binubuksan ang pinto ng cr.

Paglabas ko ng kwarto, dumiretso ako sa kusina dahil nakarinig ako ng ingay ng babasaging plato na tumunog doon. Pagpasok ko, nginisihan ko agad sya at saka nilapitan.

"Bakit ka may dinosaur onesie?" Namula ang tenga nya pero hindi nya ko pinansin. Hahahahha

Gusto ko pa sana syang asarin kaso binaba nya ang ulam sa lamesa. Adoboooooo

Umupo na ako dahil nararamdaman ko na ang tyan ko. Mamaya ko nalang sya aasarin.

"Uuwi ka rin bukas?" Tanong nya habang sumusubo ako ng pagkain kaya tumango lang ako. Kailangan kong umuwi kasi nagsara lang ako ng boutique ko para puntahan sya. Mukhang tanghali na ko makakapag open bukas.

May boutique akong inopen sa bayan namin doon sa probinsya. May mga naipon naman ako kaya nagstart ako ng business. Nagsimula lang talaga sya sa ukay tapos nakapagpatayo na ko ng sarili kong boutique after a year.

"Ihahatid kita" umiinom ako ng tubig at muntik nang lumabas sa ilong ko yung tubig. Anong ihahatid?!

"May work ka bukas! No! Magcocommute nalang ako"

"Pwede namang maghalf day"

"Hindi. Kaya ko na umuwi"

"Ihahatid kita. Gusto ko rin kamustahin si tita kasi di ko na sya nakausap nung galing tayong Zambales"

Okay. Madali naman akong kausap. Makakasama ko pa sya bukas ng half day? T^T

Okay lang naman kung whole day. Charot. May trabaho kami parehas.

Pagkatapos naming kumain, nagprisinta akong maghugas ng plato. Magrereklamo pa sana sya pero pinaupo ko nalang sya dahil hindi nya ko mapipigilan.

Nakatahimik lang naman sya habang pinapanood akong maghugas. Sanay naman ako maghugas no! Tsaka di naman nabago ang ayos ng kusina nya kaya alam ko kung saan hahanapin at ilalagay ang mga gamit. Ako rin naman naghuhugas ng mga plato na ginagamit namin dati.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now