As requested, I am dedicating this chapter to cutiepiejel15 :) Thankyou! Enjoy reading! ♡
-------
Tatlong linggo. Tatlong linggo nang nagtratrabaho sa SNAS company si Alex.
Okay naman. Ayos lang ang trabaho nya. Pero ilang araw narin silang busy dahil may nalalapit silang fashion show event. Pagod man ay nakakaya naman ng dalaga. Si Alex pa? Walang inuurungan yan. Kahit pagod ay mapapagod sakanya dahil hindi nya alam ang salitang ito.
Kasalukuyang nasa meeting ang apat habang pinag uusapan ang nalalapit na fashion show.
Mukhang napansin naman ni Luke na pinagpapawisan ang secretary nya. "Marie, pakilakasan nga yung aircon" utos nito sa secretary ni Pau na agad din namang nasunod.
Tumingin sa orasan si Luke at nakitang tanghali na pala. "Resume natin ang meeting after lunch"
Nagsisang ayunan ang lahat. Kaagad na naglabasan ang mga tao sa loob habang si Alex ay nanatiling nakaupo.
"Ayos ka lang? Lunch na" sabi sakanya ng binata kaya napatingin sakanya ito.
"Mauna na kayo. Dito muna ko saglit"
Ilang segundong nakatayo ang boss nya sa tapat nya pero kaagad din sya nitong iniwan.
Naiwan si Alex sa loob. Nagpapawis sya at hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya. Siguro ay dahil narin sa pagod. Ilang araw na silang puyat at puro meeting just to make sure na maayos ang kakalabasan ng show.
Panghatak narin kasi ito sa mga expected investors nila.
Ilang minuto rin ang nakalipas nang mapagpasyahan na nyang tumayo. Sakto namang pumasok si Luke sa loob.
Inihagis nito ang susi sa lamesa kaya napatingin sya dito. "Para saan yan?"
"Marunong ka bang magdrive?"
Hindi nakatingin sakanya ang binata pero alam nyang sya ang kausap nito dahil sila lang namang dalawa ang nasa loob.
"Hindi. Bakit?"
Hinablot ni Luke ang susi at tumingin sakanya. "Wala"
Lalabas na sana ang binata nang mapatigil ito sa pinto. Naiinis itong bumalik sa harap ng dalaga.
"Tara na ihatid kita"
Napaturo si Alex sa sarili. "Ako? Saan?"
"Umuwi ka muna di maganda pakiramdam mo"
Napailing sya sa sinabi nito. "Hindi na! Okay na ko oh. May meeting pa tayo"
Kahit ang totoo ay parang binibiyak na ang ulo nya, ngumiti parin sya. Ayaw naman nyang maging pabigat lalo na sa boss nya. Ihahatid pa sya pauwi? Nako wag na.
After ng lunch break ay kaagad din namang tinuloy ang meeting. After nun ay gumayak ang apat at mga secretaries nila para maghanap ng magandang venue. May mga expected venues na sila na nakalista pero depende parin ito sa tingin ng apat.
Naglalakad na si Luke at Alex palabas ng building nang may humintong sports car sa harap nila. Napatingin pa ang dalaga sa boss nya dahil ang seryoso ng mukha nito na nakatingin sa sasakyan.
Nanlaki ang mata ni Alex nang lumabas si Justin sa sasakyan. Lumapit ito sakanya at ngumiti.
"Anong ginagawa mo dito?"
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...