12 | Mother

79 7 7
                                    


Alex's PoV

Ilang araw na kong tambay sa kwarto at sa araw araw na yon, hindi nawala ang sama ng pakiramdam ko. Normal naman daw to sabi ni doc dahil nasa first trimester palang ako pero gosh! Akala ko morning sickness lang, bakit sakin, whole day sickness?

Narinig kong bumukas ang pinto ng condo. Nandyan na si Justin.

Actually hindi naman dito nakatira si Jah. Magkatapat kami ng room pero madalas talaga sya dito.

Madalas na sya dito kesa sa condo unit nya kaya nasanay narin ako. Mas trip nya daw na may kasama and so am I. Classmates kami nung college kaya close na close talaga kami.

So ayon, nasusuka nanaman ako.

Ilang minuto lang nakaamoy ako ng sinigang. Tumunog bigla ang tyan ko kaya napahawak ako dito. "Gutom na baby ko"

Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Justin na naghahain ng pagkain. Bumukas bigla ang pinto ng cr kaya nagulat ako. Nandito pala si Luke.

Sinalubong nya ko sabay hawak sa tyan ko. "Hello, baby."

I smiled and stares at him. Hindi pa masyadong halata ang tyan ko pero kung ituring na nya ito, parang lumabas na. Madalas sya dito sa mga nakalipas na araw kaya medyo sanay narin ako.

Nakakatakot lang kasi nasasanay na kong nakikita ko sya. Hindi na to healthy for me pero healthy naman for baby.

Ang weird weird na kasi ng pakiramdam ko. Lagi ko syang gustong makita kahit na sinasabi na ng utak ko na wag, baka masanay ka, wag kasi baka mahulog ka, wag kasi boss mo yan.

Ang daming bawal ng utak ko pero gusto ko talaga sya laging nakikita.

"Oh kain na. Uuwi na muna ko. I need to change my clothes" paalam ni Justin na tinanguan ko kaagad. "Dito ka na kumain a? Ang dami mong niluto." Tumango sya at tuluyan nang lumabas ng unit ko.

Naiwan kaming dalawa dito ni Luke. Hinawakan nya ang bewang ko at iginiya ako paupo sa upuan.

"Kamusta pakiramdam mo?" He asked habang pinagsasandok ako ng pagkain.

"Okay ako ngayon. Sana magtuloy tuloy na" tinatanong nya kasi ako lagi kung anong nararamdaman ko. Alam nyang lagi akong nahihilo.

Tumango sya at iniabot sa akin ang kutsara. "Kapag okay ka na, punta na tayo sa bahay a? Sabihin na natin kila mommy"

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. His parents are nice and hindi mahirap pakisamahan. Kapag umuuwi kasi sya noon sakanila, lagi akong kasama kasi lagi kaming pupunta doon kapag galing ng meetings and errands.

They're nice, yeah. Pero hindi ko alam kung matatanggap ba nila itong bata or what. Okay lang sa akin kung hindi nila ako matanggap basta yung anak ko, tanggap nila.

I mean, ang yaman yaman nila. Diba ang mga mayayaman, hangga't maaari gusto nilang mayaman din ang mapakasalan para tuloy tuloy ang business at lalo pang lumago ang mga yaman nila? Ang dami kong nababalitaan na ganon nung college ako kasi halos lahat ng nag aaral sa univ na pinag aaralan ko dati is mayayaman.

Yung iba naaarrange marriage na kahit hindi pa nakakagraduate. Mayaman sa mayaman. Scholar ako sa univ dati kaya mga mayayaman ang nakakasama ko.

"Hey, kain na. Bakit nakatulala ka?" Naputol yung mga iniisip ko sa sinabi ni Luke. Napatingin ako sakanya at ngumiti. Kakain nalang ako

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now