19 |

79 7 2
                                    


Tiningnan ko lang sya at saka na pumasok sa loob ng cubicle. Wala akong time makipagsagutan kasi ihing ihi na ko. Sasabog na sya

After ko ay finlash ko at saka lumabas. Akala ko hindi ko na syang maaabutan pero mukhang hinihintay nya ko dahil nakasandal lang sya sa sink.

Lumapit ako sa tabi nya para maghugas ng kamay. Tiningnan ko lang ang sarili ko sa salamin at saka na naglakad papunta sa pinto. Pero bigla syang nagsalita.

"Anong purpose ng pagtatanggol sayo ni Sir Luke kung totoo naman palang buntis ka? May pasabi sabi pa syang fake news tapos here you are, proud na proud pang naggagala dito"

Napaismid ako kahit nakatalikod ako sakanya. Ano bang pakielam nya?

"Nandito ako kasi sira yung restroom sa taas"

I heard footsteps and kinilabutan ako nang makaramdam ng hininga sa bandang leeg ko. "You're not complaining, so tama talaga ako?"

Hinarap ko sya at saka sya sinamaan ng tingin. "Eh ano naman kung buntis ako? Anong pakielam mo? Hindi naman ikaw eh."

Tinaas taas nya ang kamay nya para tingnan ang mga kuko nyang punong puno ng bids. Hindi ba sya nabibigatan dyan?

"Oh I saw you and sir Luke nga pala nung binisita ko yung friend ko sa condo building nila. Doon ba work nyo sa gabi?"

Shocks! Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi nya. No, no. Hindi pwede

"Why are you doing this to me? Ano bang problema mo sakin? I don't even know your name." Hindi ko na napigilang itanong. Sya kasi yung nagpakalat noon na buntis ako at bakit naman sya nakikielam sa buhay ko?

"Kasi you're a two timer. You're leaving with my boyfriend noon then nung umalis sya, titira ka ngayon sa boss mo? Slut"

Boyfriend? Gago girlfriend to ni Justin?! Pero hindi naman kami nakatira sa iisang unit ni Jah noon! Galit ba sya dahil don? Tsaka wala namang nakukwento si Jah na may girlfriend sya!

Papatulan ba to ni Jah? Eh ang arte!

"As if naman papatulan ka ni Jah?"

Inaatake ata ako ng pagkapalaban ko ngayon. Imposible naman kasing patulan sya ni Justin! Ang bait bait ng kaibigan ko tapos ito yung girlfriend nya?

Nilabas nya ang phone nya at saka iniharap sakin. Tinatawagan nya si Jah through Whatsapp. Nakita kong sinagot nya yon ng kaibigan ko at niloudspeaker nitong babae.

"Yes babe, why?"

Nanlaki ang mata ko nang marinig si Justin. Totoo ba?! Seryoso?!

Nginitian nya ko ng nakakatakot at saka inilapit ang phone sakanya. "ay sorry. Napindot lang. Naistorbo ba kita?"

"Actually nasa meeting ako ngayon. I'll call you later."

"Sure sure. Sorry talaga. Love you bye"

Pabebe amputek

"Yeah love you too. Bye"

Nag end ang call at saka sya tumingin sa akin. "Slut btch"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now