23 | Restart

72 5 3
                                    


Napagdesisyunan kong uuwi ako ngayon sa probinsya. Magcocommute ako tulad ng dati kong ginagawa. Hindi na kasi ako nakauwi dito mula nung sinabi kong buntis ako. Almost 3 months narin kaya miss na miss ko na sila.

Actually nandito na ko eh. Nasa kanto na ko at nakasilip lang ako sa bahay. Nasa labas si mama at nakikipagtawanan kila aling Delia. Habang si Clarenz ay nakaupo at may maliit na lamesa sa harap nya. Mukhang nagsasagot sya ng assignments nya

I took a deep breath at saka na naglakad papalapit ng bahay. Nakasalubong ko pa yung isang tambay. "Uy Alex! Ikaw lang? Nasan yung boyfriend mo?"

Nginitian ko lang sya at saka sya nilampasan. Napansin siguro ako ni mama at Clarenz kaya napatayo silang dalawa.

"Ateee! Nasan si Kuya Luke?" Niyakap nya ko kaya ibinalik ko ang yakap. Lumapit din sa akin si mama at saka ako bineso.

"Ikaw lang mag-isa nak? Busy ba si Luke?"

Puro sila Luke. *signs*

Hindi ako nagsasalita pero sumunod silang dalawa sa akin sa loob ng bahay. "Kamusta ang apo ko? Nako sana proud sya sa akin kasi hindi na ko nagsusugal!"

Napangiti ako sa sinabi ni mama. Tinatawagan nya ko dati at sinabi ngang hindi na sya masyadong nagsusugal at umiinom. Gusto daw nyang paglabas ng una nyang apo, wala na syang bisyo.

Isa rin yan sa dahilan kaya hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sakanyang wala na yung apo nya. Sobrang excited pa naman nya.

"Ma"

Napatingin sya sa akin at saka ngumiti. "Hmm?"

"Nakunan ako. Wala na yung apo mo"

Napanganga sya at napatingin sa tyan ko. Nilapitan nya ako at saka dahan dahang niyakap. "Anak ko" malakas ang iyak nya kaya nadala narin ako doon.

---

Wala naman nang sinabi si mama nung makwento ko ang nangyari. Sinabi nya rin na wala akong kasalanan kaya wag na wag kong sisisihin ang sarili ko.

Lahat ng nakapalibot sakin, yun ang sinasabi. Pero hindi naman kasi talaga maaalis sakin na sisihin ko sarili ko.

Oo paulit ulit ako.

---

Luke's PoV

Binaba ko ang phone ko at saka tumingin kay Vester.

"I need to go. Importante lang"

Nginitian nya ako ng malawak at saka pa inangat angat ang kilay. "Syempre naman, importante si Alex"

Napailing nalang ako habang natatawa. Ang lakas talagang mang asar neto

"Sige ingat ka. Saan mo ba pupuntahan?"

Tinaas ko ang phone na hawak ko tsaka sya nginitian. "Tita called me. Umuwi daw si Alex sakanila para sabihin yung nangyari"

Tumango sya kaya umalis na ako agad. Binibigyan ko naman sya ng space and time katulad ng sinabi ko sakanya. Pero wala naman sigurong masamang pumunta kasi tinawagan naman ako ng mama nya?

Sumakay ako sa kotse at sinimulan ang ilang oras na byahe.

Nakarating ako sakanila at sinalubong ako ng mga kapitbahay nila. Kinatok ng isang lalaki ang bintana kaya binaba ko yon. Sumilip sya sa akin at ngumiti. "Akala ko pre hindi ka dadating eh. Tinanong kasi namin si Alex kanina, hindi ako sinagot"

Natawa lang ako at kinawayan sya. Bumaba ako ng kotse kaya pinalibutan ako ng mga bata. "Galing kasi akong trabaho, pre" tinanguan nya ako at saka nginitian.

Nakangiti naman si tita at Clarenz habang hinihintay akong makalapit sakanila. "Buti naman nakarating ka. Sabi kasi ni Alex, busy ka eh. Nag away na kayo?"

Inilingan ko si tita at saka ginulo ang buhok ni Clarenz. "Kuya a! Laro tayo mamaya a!" Itong batang to walang inisip kundi laro

"Si Alex po?" Tumuro si tita sa loob at sinenyasan akong wag maingay.

"Nakatulog. Baka napagod. Uuwi rin ba kayo mamaya?"

Kailangan umuwi kasi may trabaho bukas. Pero kasi 4pm na. Bahala na siguro.

"Kapag ginabi na po kami, bukas nalang siguro" tumango sya at saka ako pinapasok sa loob. Ngumiti sya bago ako tapikin sa balikat.

"Alam ko ang laki rin ng epekto sayo nung mga nangyari."

Nginitian ko sya at saka ako napayuko. "I guess hindi na matutupad yung mga plano ko, tita?" Napatawa ako pero halata namang peke yon.

Nasabi ko kay tita yung mga plano ko. Nung pinaalam ko palang si Alex na ititira ko sya sa akin, nun ko sinabi. Ang dami rin nun eh. Para sana sa aming tatlo.

"Hijo, ganyan talaga. Meron talagang bagay na hindi kayang idaan sa pera. Pero ayos naman kayo diba? Sana wag nyo parehas sisihin sarili nyo. Dapat nagpapalakasan kayong dalawa ng loob. Para sabay kayong makaahon sa lungkot"

I'm trying. Ngumingiti ako and all pero deep inside parang mamamatay talaga ako sa sakit.

Hindi pa ako ready maging tatay pero sobrang saya ko nung dumating sya nang biglaan. Kahit hindi ka pala ready, kapag nandyan na, excited ka.

"Magpahinga ka rin, diba galing ka sa trabaho? Magluluto lang ako ng hapunan bago ko kayo gisingin"

Iniwan ako ni Clarenz at tita dito sa maliit nilang sala kaya pumasok ako sa kwarto. Nandito si Alex, tulog na tulog. Umiyak nanaman kaya to? Lagi nalang namamaga mga mata nya eh.

Sobrang lungkot ko sa pagkawala nung anak namin kaya hindi ko talaga maimagine kung gaanong sakit yung nararamdaman nya kasi sya yung nanay. Nasa tyan nya yun eh. Karugtong na ng pusod nya yon kaya hindi ko sya masisisi kung sobrang down na down sya ng mga ilang linggo.

Nakatagilid sya kaya humiga ako sa tabi nya. Nakatalikod sya sa akin at saka ako pumikit.

Ayaw na nya sakin. Pilit nyang nilalayo yung loob nya sakin kasi ang iniisip nya, para lang sa baby kaya ako ganito. Pero hindi eh. Gusto ko sya noon. Gusto ko na sya noon kaya ko sya inilapit sakin.

Magkakaanak kami, oo. Mahal ko yung anak ko pero mas importante si Alex sakin.

Alam kong mabilis pero oo mahal ko sya. Hindi ako galit sakanya. Hindi lang talaga siguro para samin yun at may plano si God na iba para sa amin.

Maraming plano yung napurnada sa pagkawala ng baby pero kaya ko namang baguhin yung mga plano ko para samin.

Gusto nyang magsimula ulit? Sure. Magsisimula ulit kami. Sisimulan ko sa tama at hinding hindi na ko ulit magkakamali.

Nagsimula man kami sa mali, pwede namang itama eh.

Naputol ang iniisip ko nang umikot si Alex at humarap sa akin. Nabunsol pa ko dahil pabagsak ang pagyakap nya sa tyan.

I smiled and look at her beautiful face.  Sobrang ganda mo

Iniangat ko ang ulo nya gamit ang kaliwang kamay ko at ipinatong yon sa kanang braso ko. Ayan. Mas komportable.

I love you, Alex. I really do.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now