6 | No

88 6 6
                                    


Paglabas ni Alex sa cr at pagbalik nya ng desk nya ay may nakalapag na doon na iba't ibang klaseng pagkain. May pasta, donut, pizza at iba't ibang klase ng drinks.

Napalinga linga sya sa paligid pero wala namang tao dito. Sinilip pa nya si Luke sa loob ng opisina pero wala na doon ang amo nya.

Lumapit sya dito at pag upo nya, nakita nyang may sticky note na nakadikit sa monitor nya.

'I honestly don't know what kind of foods you like kaya nag order nalang ako ng marami. Now, eat. I'll be back after lunch. And sorry pala i don't know na allergic ka sa beef'

Napakunot ang noo ng dalaga sa nabasa. "Hindi naman ako allergic sa beef."

Napahawak sya sa tyan nang tumunog ito. Ibinaba nya ang sulat at sinimulang kainin ang isang box ng donut sa harap nya.

---

This is the day of the fashion show. Busy na masyado ang lahat. Nasa venue narin si Alex at mga katrabaho nya para macheck kung ayos na ba ang lahat.

Required sakanila ngayon ang high heels and dress since special na araw ngayon. They need to be look presentable as possible dahil malalaking tao ang pupunta sa show nila.

"You're late" bungad sakanya ni Luke nang pumasok sya sa dressing room. "Kanina pa ko sa labas" response nya kaya napatango ang binata.

Dirediretso syang naglakad papunta sa mga wardrobes para tingnan kung kumpleto na ba lahat. Pero bago pa sya makalapit doon ay napatid sya sa wire ng blower na ginagamit ng hairstylist sa isang model.

"Ano bang ginagawa mo?! Maninira ka ba ng gamit?" Iritang sigaw ng hairstylist. Ngarag na nga sila dahil sa pagmamadali tapos naistorbo pa sila ni Alex.

Napayuko sya nang paulit ulit, "sorry sorry po"

Napatingin lang sakanila si Luke na nakaupo sa isang gilid at nagbabasa kanina ng rundown ng show.

"Anong gagawin mo ngayon? Nasira yung blower ko! You stup--"

"Hey. Watch your words" napatingin ang lahat kay Luke nang bigla syang magsalita. Tumayo sya at nilapitan ang hairstylist at si Alex. Bumalik naman na sa trabaho ang ibang tao sa loob dahil malapit na ang oras.

"Sir, this stupi--"

"Shut up. Wala ba kayong extra dyan?" Tanong ni Luke kaya napailing ang stylist. Napangisi sya at hinawakan ang braso ng secretary nya.

"Hindi na nya kasalanang nakaharang  sa daanan yang wire ng blower mo. And as a stylist dapat lagi kang handa at dapat may dala kang gamit in case of emergency. Maghanap ka ngayon ng magagamit mo."

Hinatak nya si Alex pero bago pa man makalayo ay napalingon ulit sya sa stylist. "She's my secretary. You don't have a right to scold her or call her names kasi hindi naman sya under sayo. Now go back to your work"

Hindi na nakapagsalita ang stylist sa sinabi nya. Totoo naman kasing hindi lang dapat isa ang dala nya.

Tinanggal ni Alex ang kamay nya sa pagkakahawak ni Luke nang makababa sila sa ground floor. Nakatingin narin kasi sakanila ang mga kaworkmates nila at nagbubulungan na.

"Sir, hmm. Luke sorry. Hindi mo naman ako kailangang ipagtanggol. Mali ko yon. Hindi ako nag ingat at hindi ako tumingin sa daanan sa pagmamadali"

"Exactly. Lahat kayo nagmamadali kaya wala syang karapatang kwestyunin ka."

---

Nasa isang kwarto silang dalawa at nakatayo lang si Luke habang inaayos ni Alex ang necktie nya. Kailangan nya ring mag ayos dahil isa sya sa magoopening speech before the show starts.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now