27 | Clarenz

76 8 11
                                    

Alex's PoV

"Saan nya dadalhin si Clarenz?!"

Tinapik ko lang balikat ni Paul at saka na naglakad papasok ng hotel. Ngayon na nga lang kami magbabakasyon, makikita ko pa sya. What a small world!

Nang makapasok na ko sa loob, naramdaman kong hinabol ako ni Paul. Nagtatakha syang tumingin sakin at hinarang ako.

"Seryoso? Hahayaan mo lang kapatid mo?"

"Don't worry, magkakilala naman sila eh. Maglalaro lang yun sila"

Binigyan nya ko ng tingin na parang hindi sya makapaniwala. "Iniyakan mo ng matagal yung tao na yon tapos wala ka man lang pakielam na kasama nya kapatid mo?"

"Look, Paul, hindi na sya iba kay Clarenz. Gusto syang makasama ng kapatid ko, then let them be. Namiss lang siguro sya nung bata"

Hindi sumagot si Paul pero alam kong gulong gulo rin sya. Totoo naman eh. Ang tagal tagal hindi nakita ni Clarenz yung kuya nya. Bigla bigla na nga lang nyang babanggitin pangalan ni Luke eh.

Tsaka di naman sya iba. Close naman sila at babalik naman yung batang yon sa hotel room namin pag matutulog na sya.

Le Charmé Suites is owned by Paul. Kakaopen lang nito nung nakaraan kaya naisipan nya kaming isama para mapakita naman tong kakabukas nyang business. Sinasama sana namin si mama kaso ayaw nya, kami nalang daw nila Clarenz.

Paano nalang kung kasama namin si mama, ade silang dalawa ngayon yung sumama kay Luke at iiwan talaga nila ako dito sa hotel room na mag isa.

Umupo ako sa kama at saka nalang nag isip ng makakain. Ano kayang masarap kainin?

Bumukas ang pinto, sumunod pala si Paul sa akin. Umupo sya sa tabi ko at saka nagcellphone

"Bakit ka nandito?"

"Wala lang. Anong gusto mong dinner?"

"Kahit ano. Wala akong maisip."

Tumayo sya at pumunta sa harap ko. "Okay, magpapahanda lang ako para makakain na" He leaned forward at hahalikan sana ako sa ulo pero umiwas ako.

Natawa sya at napailing. "Tawagin nalang kita kapag ready na" I just nodded kaya lumabas narin sya.

Honestly, hindi ko na alam gagawin sa lalaking yan. Sumama lang naman ako kasi pinilit nya talaga ko and nakakahiyang tumanggi dahil nga mapilit sya.

Kung alam ko lang na nandito si Luke, ade sana hindi ako sumama.

---

Luke's PoV

"Ano?" Tanong ko kay Clarenz nang samaan nya ako ng tingin. "Ang bilis mong tumakbo, kuya!!!"

Natawa ako nang bigla nya ulit akong habulin kaya napasampa ako sa kama at pumunta sa kabilang side. Naghahabulan kami. Napilitan lang ako.

"Ikaw namili ng laro tapos magrereklamo ka?"

"Sabi mo kasi hindi mo alam yung habulan taya!"

"Sabi mo hahabulin mo lang ako tapos matataya ako kapag nahawakan mo ko?"

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now