Naghihintay si Luke sa kotse nya. Hindi sya mapakali at patingin tingin sa elevator ng parking lot kung nakababa na ba sila Alex.
"May boyfriend ba sya? Boyfriend ba nya si Justin?"
Kanina pa nya yan tinatanong sa sarili nya mula nung sinabi sakanya ni Marie na may hinala silang buntis ang secretary nya.
"Sorry Luke, natagalan. Pwede naman akong magcommute" naputol ang iniisip nya nang may magsalita sa tabi ng bintana ng sasakyan. Napailing sya at tinapik ang upuan sa tabi nya.
"Pumasok ka na."
Nakayukong umikot si Alex at pumasok sa kotse nya. "Seatbelt"
"Sila Marie?"
"Kaya ko nang maglakad mag isa kaya pinapunta ko na sila sa main hall. Kailangan sila don"
Nagdrive nalang si Luke imbis na magsalita. Napapatingin si Alex sa paligid dahil hindi yun ang daan pauwi sa condo nya.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa bahay"
"Bahay?"
"Cinontact ko na yung family doctor namin. Magpapapunta sya ng OB gyne sa bahay"
Nanlaki ang mata ng dalaga sa narinig. "OB gyne?! Paano--"
"Hindi na mahalaga kung paano ko nalaman. Bakit hindi mo sinasabi sakin?"
Napailing si Alex at napaupo ng maayos. "Hindi ko alam. Hindi yun sure! Hinala lang yun nila Jella"
"Mamaya malalaman natin kung totoo ba o hindi"
---
Nakababa na si Luke ng kotse pero ayaw paring bumaba ni Alex. "Baba na"
Naiinis narin ang dalaga dahil kanina pa nya tinatanggihan ang mga sinasabi ng amo nya. "Kaya ko namang ako lang. Secretary mo lang ako bakit kailangan mong gawin to?"
"We need to make sure na okay ka"
"Kaya ko sarili ko. Hindi mo na to kailangang gawin. Kung totoo mang buntis ako, ano naman sayo? Wala ka na dapat pakielam don."
"Please Alex, bumaba ka na"
"No! Empleyado mo lang ako. Hindi ko kailangan ng special treatment"
"Ichecheck up ka lang"
"Kaya ko namang magpacheck up sa clinic."
Napahawak na sa sintido si Luke sa inis. Tinitigan nya ng matagal ang dalaga na nakaupo parin sa front seat ng sasakyan. Hawak hawak ng binata ang pinto kanina pa.
"Baba"
"No"
"Please Alex. Gusto ko lang malaman kung sakin ba yan"
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...