24 | Heal

74 5 18
                                    

Alex's PoV

Napadilat ako kasi parang may katabi ako. Parang naaamoy ko si Luke. Ramdam kong nakayakap pa sya sa akin.

Tumingala ako at tulog na tulog sya. Si Luke nga!

Ako pa talaga nakayakap? Tsaka bakit sya nandito? Pano nya nalamang nandito ako?

Pumikit nalang ulit ako at saka sya niyakap ng mahigpit. Napangiti pa ko sa pakiramdam ko. Ang komportable talaga kapag sya katabi ko.

---

"Ate kakain na" kinalabit ako ni Clarenz sa braso kaya napaupo ako bigla. Inikot ko ang paningin ko at napasimangot nang hindi ko makita si Luke.

Nananaginip lang pala ako. Akala ko pa naman totoo

Lumabas nalang ako ng kwarto dahil nagugutom narin ako. Naabutan ko si mama at Clarenz na nakatingin sa akin.

"Kain na nak" sabi nya kaya tumango lang ako.

Nakanganga na ko para sumubo pero biglang may nagtakip sa mata ko gamit ang tela. Eh?

"Ma?"

Hindi ako sinasagot nila mama kaya kinapa ko ang tao sa likod ko. Sino to?

"Stand up. Dahan dahan lang" kinilabutan ako sa boses sa tenga ko at sa hininga nyang parang kumiliti sa buong pagkatao ko.

Hindi ako nagsalita pero tumayo ako at umikot para yakapin sya. I can't see him right now dahil sa nakatakip sa mata ko pero nayakap ko sya.

"Akala ko panaginip lang" bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig nya dahil hindi pa naman ako humihiwalay sakanya.

Hinatak nya ko kaya napahiwalay ako sakanya at naglakad. "Ano to?"

Hindi nya ko sinagot. Naramdaman kong isinakay nya ako sa kotse at sinara ang pinto sa gilid ko.

"Thank you, tita."

"Nako wala yon. Yung mga sinabi mo a? Ayokong uuwi yan dito na umiiyak"

Luke laughed and natahimik sila sandali. "Alis na kami, tita. Babalik nalang kami"

Hinintay ko lang sya hanggang sa marinig kong sumara ang pinto ng kotse. Kinabit nya sakin ang seatbelt at inistart ang engine.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa puso ko"

"Hala ang corny! Di bagay sayo!"

"Hahahaha"

15? 30 minutes? Ewan basta mga ganon kami katagal bumyahe bago nya patayin ang makina ng sasakyan.

Binuksan nya ang pinto sa gilid ko at napayakap pa ko sa braso ko dahil sa lakas ng hangin. Hinawakan nya ang kamay ko kaya dahan dahan akong lumabas ng kotse.

Naglakad lang kami ng ilang seconds. Honestly, kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung anong makikita ko kapag tinanggal na tong blindfold ko.

Ano bang ginagawa nya? Surprise ba to? Bakit naman sya mangsusurprise?

Meron syang ipinatong sa balikat ko na parang jacket kaya inayos ko agad yun. Malakas kasi ang hangin, malamig.

Habang patagal nang patagal na naglalakad kami, unti unti ko ring naririnig yung alon ng dagat.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now