2 weeks na kong nakakulong lang sa kwarto ko. Hindi parin kami nag uusap ni Luke. Or I mean, hindi ko parin sya kinakausap. He tried kapag dinadalhan nya ko ng food dito sa kwarto pero hindi ko pa talaga kaya.
Kumuha ako ng fit note sa doktor ko. Ang sabi naman nya I can rest kahit gaano kahaba ko gusto basta ipapasa ko sa kompanya yung note na binigay nya.
Umabot narin sa akin yung balita na kumalat na daw sa company ang nangyari. Alam narin ng lahat na si Luke ang tatay nung nahulog kong baby dahil hindi naman nya tinatanggi. My co-secretaries keep me updated about sa mga nangyayari sa kompanya ngayon.
I'm planning to resign narin and get a new job sa ibang kompanya. Masyado na akong nagcause ng gulo kay Luke mula nung pumasok ako doon. Kapag okay na ko, babalik narin ako sa condo ko.
Yes, I'm planning for myself. Hindi na ko aasa sa mga plano ni Luke kasi wala naman na yung pinagplaplanuhan nya. Since wala naman nang nabubuhay sa loob ko, pwede na kong magdesisyon sa sarili ko.
Tama naman si doc eh. Time is the best healer. Kailangan ko ng time to heal myself from everything.
Binibigay ko rin yon kay Luke kaya hindi parin ako pumapayag na makipag usap sakanya. He needs more time to think.
Wala sya ngayon. Nasa trabaho sya at kapag nandon sya, ako ang kumikilos dito. Ako yung nagluluto tapos nagtetake din ako ng meds na nireseta ng doktor para sa healing ko physically.
Sayang nga walang meds ang pwede for emotionally. Para kasi akong mababaliw sa lungkot.
Napatingin ako sa pinto nang may magdoorbell. Hindi yun si Luke kasi hindi naman yun nagdodoorbell dahil alam nya ang passcode ng pinto
Pinagbuksan ko kung sino mang nasa labas at bumungad sa akin si Justin. Bumalik na pala sya.
Hindi pa sya nakakapasok pero nakasimangot na sya at saka ako niyakap. Then napaiyak nanaman ako.
Hinimas himas nya ang likod ko kaya lalo akong napahagulgol. "Shh."
Iginiya nya ko papunta sa sofa at saka ako iniupo doon. Pumunta sya sa kusina at pagbalik nya may dala na syang isang baso ng tubig
"Kumain ka na?" Tumango ako sa tanong nya. "Kakatapos lang"
"Yung mga gamot mo?" Tumango nalang ulit ako kasi nainom ko narin lahat.
Bumuntong hininga sya at saka pinat ang tuktok ng ulo ko. "Magpalakas ka a? Dapat sumigla ka ulit. Tuloy lang ang buhay"
Siguro balang araw. Pero hindi pa ngayon, sariwa pa lahat sakin.
This past 2 weeks, lagi akong inaatake ng depression at anxiety. Nakukulong ako sa mga naiisip kong nangyari at mga mangyayari. Kahit ayaw kong isipin, pumapasok talaga sa isip ko lahat.
Napakalaki ng disappointment ko sa sarili ko. Oo pati sa sarili ko, nagagalit ako.
"Kamusta kayo ni Luke?"
Napatitig ako kay Jah sa tanong nya. Umiling ako kaya napahinga nanaman sya ng malalim.
"Hindi mo pa kayang makipag usap?"
Hindi pa.
---
Umalis narin naman si Jah after nya kong kamustahin. Wala pa syang isang oras dito, nagpaalam na agad sya. May trabaho pa kasi sya
Hindi ko nalang inopen sakanya yung tungkol sa girlfriend nya. Sino ba ako para makielam sa lovelife nya? Tsaka hindi naman nya nasabi sakin na may girlfriend sya. Kaya di ko nalang sila papakielaman.
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...