Luke's PoV
Mom, Dad, Vester, Pau, Ken, Marie, Zeira, Jella and Justin are looking at me while smiling. Ito na yung araw na magpropropose ako kay Alex at nandito na kami sa tapat ng bahay nila.
Kinakabahan ako, sa totoo lang. Sabi ni tita sakin kanina nung tinawagan nya ko, natutulog si Alex since ito ang araw ng pahinga nya mula sa halos isang linggong trabaho.
Sinama ko lahat ng taong malalapit sa amin para makita nila yung paghingi ko ng kamay ni Alex. Nahihiya ako syempre lalo na sa mga kaibigan ko pero okay lang.
Gusto ko sanang maging bongga pero alam kong mas matutuwa si Alex kapag simple lang at mas lalo syang matutuwa kapag nag ipon ipon lahat ng mga naging parte ng buhay namin mula nung nagkakilala kami.
I took a deep breath bago sila senyasan na pumasok na kami.
"Nandito na pala kayo. Tara pasok. Pasensya na maliit lang yung sala namin" nginitian ko si tita at saka umiling. "Ayos lang tita."
Lumapit sya kay mom at dad at saka sila nagbatian. Ito yung unang beses nilang mag uusap ng personal dahil nagkakausap naman sila minsan sa call. Just by looking at them laughing makes my heart beats faster. Ang sarap at sayang makitang magkasundo ang mga magulang namin.
"Kuya, gigisingin ko na ba si ate?" Tanong sa akin ni Clarenz. "Ako nalang manggigising."
Pumasok ako sa kwarto at napangiti nang makitang tulog na tulog sya. Lumapit ako at saka yumuko para halikan sya sa noo.
"Lex"
"Hmm?"
"I love you" napadilat sya dahil sa bulong ko at biglang napaupo kaya naguntugan kaming dalawa. Parehas pa kaming napahawak sa noo namin dahil sa lakas
"Aray! Hindi mo sinabing bibisita ka?!"
Natawa ako sa sinabi nya pero hinalikan ko lang ulit sya sa noo. "Sabi ko I love you eh" I said while pouting and that makes her laugh.
"I love you too. Ang daya mo naman di ka nagsasabi!"
Natahimik kaming dalawa at napatingin sya sa pinto ng kwarto dahil sa ingay ng mga kasama ko sa sala nila.
"May mga bisita ba kami? Bakit maingay?"
Hindi ko sumagot. Hinawakan ko lang yung kamay nya kaya napatayo sya at humarap sa akin.
"Bakit? Weird mo naman"
Hinatak ko ang kamay nya palabas ng kwarto at mukhang gulat na gulat sya nang makita ang lahat. "Bakit kayo nandito lahat?! Huy may ano?"
Napaikot ang tingin nya at saka napayuko nang makita nya ang parents ko. "Tita, tito! Hello po. Anong--"
"Alex!" Napatigil sya at napatingin sa tumawag sakanya. "JAH!!!"
Nagtawanan kami dahil gulat na gulat talaga sya. Napalingon sya sa akin nang bigla akong lumuhod sa harap nya. "Ay hala!"
"Hahaha! Lex, will you marry me?"
Nag'ayieeee' ang mga kaibigan ko at nagtuksuhan. Nagsigawan naman ang mga kaibigang babae ni Alex ng 'yes na yan!'
Napatakip sya sa bibig nang maglabas ako ng maliit na box at pagbukas ko non, bumungad sakanya ang isang singsing. Inorder ko pa to sa ibang bansa sana magustuhan nya. Pero as much as possible yung pinakasimple ang kinuha ko.
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...