"Alis na kami Clarenz a? Ma" Kiniss ako ng kapatid ko sa pisngi kahit nasa loob na ko ng kotse. Nakasilip sila ngayon sa bintana."Wag kang magpapagod. Yung padala mo kahit sa susunod nalang. Ibabudget ko nalang yung pangsugal ko" bilin ni mama kaya natawa ako. Ibabudget ang pangsugal?
Bigla nya kong sinapok kaya natawa ako ng malakas. "Punyeta ka talagang bata ka umayos ka! Paglabas nyang anak mo, ayokong uuwi ka dito at sasabihin buntis ka ulit! Wag kang malandi!"
Sasagot na sana ko pero biglang sumabit si Clarenz sa pinto ng kotse. "Kuya! Pagbalik mo laro tayo ulit! Ang sarap mong makalaro, palagi kang talo!"
---
"Pagod ka? Matulog ka muna. Alam ko naman na yung daan pauwi" sabi ni Luke kaya napasandal ako sa upuan.
"Ikaw nga tong pagod eh. Nakipaglaro sa mga bata?"
"Napilitan lang ako."
"Ay wow! Napilitan ka lang non?!"
Sinamaan nya ko ng tingin pero binalik din agad ang tingin sa daan. Joke ba yon? Napilitan lang talaga sya?
Magsasalita na sana ulit ako para mabiro ko sya pero bigla nyang tinakpan ang bibig ko gamit ang kanan nyang kamay. "Sabing matulog eh. Napilitan lang akong maglaro dahil sa kapatid mo. Tapos ang usapan"
Weh?
---
Luke's PoV
Pagdating namin sa condo ni Alex, 10pm na. 7pm na kami nakaalis sakanila dahil doon pa kami nagdinner. Tulog na tulog na tong kasama ko.
Dinungaw ko ang mukha nya at napahawak sa pisngi nya. Ni hindi man lang sya umangal sa nanay nya kanina nung sinampal sya nang paulit ulit. Hindi sya nagreklamo. Tinanggap nya lahat kasi alam nya yung mali nya.
Naalala ko tuloy noon kapag pinapalo ako ng yaya ko nung bata, sinusumbong ko lagi kila mommy. Hindi ko na nga alam kung nakailang yaya ako nung bata dahil napakapasaway ko.
Gigisingin ko ba sya? Mukhang pagod na pagod sya.
Lumabas nalang ako ng kotse at umikot sa gawi nya. I opened the door beside her and carry her.
Ngayon ko naramdaman lahat ng sakit ng katawan ko. Ikaw ba naman magtuwadtuwad sa lupa at magtatakbo maghapon, hindi sasakit katawan mo? Ngayon lang ako nakalaro sa labas at bago saakin lahat kaya siguro sumakit katawan ko.
Si Clarenz kasi eh. Pinilit ako
Nasa elevator na kami ng condo pataas na sa floor nila nang dumilat si Alex. "Ay hala! Teka ibaba--"
"Shh. Pikit ka lang."
"No ibaba mo ko. Teka mabigat ako"
I laughed dahil sa sinabi nya. Medyo mabigat nga sya pero okay lang. Tumaba sya eh.
Aangal pa sana sya nang bumukas ang pinto ng elevator sa isang floor. May sumakay na dalawang matanda, mag asawa siguro tong mga to kasi magkaholding hands sila. I can't help but to smile. Ang sweet nila kahit matanda na sila.
Napangisi silang dalawa nang makitang buhat ko si Alex. Mukhang nahiya naman tong buhat buhat ko dahil sinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko. I got goosebumps. Nakakakiliti hininga nya.
"Ikaw ba yan, Alex?" Napatingin ako agad sa matanda nang itanong nya yon kay Alex. Dahan dahang lumingon ang buhat ko sakanila at ngumiti. "Hehe. Opo, nay. Hello nay, tay. Kakagaling nyo po sa store nyo?"
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...