3 | How?

148 7 2
                                    

Napatigil si Alex dahil sa sinabi ni Luke. Hindi narin sya makagalaw ng maayos. Hindi nya narin maramdaman ang mga paa nya. Gusto nyang umupo

"Alam kong gets mo ko. Don't pretend" Kinilabutan sya nang maramdaman ang kamay ng binata na humawak sa braso nya. Kaagad nyang naiwas ang braso at napatitig sa binata.

Nagbabadya narin ang mga luha nya na lumabas. Namumula na ang mga mata nya. Pero nilalabanan nya.

"So alam mo? Alam mong ako yon? Kaya ba ko napasok dito?"

Napailing iling si Luke dahil sa tanong nya. "No no. Hindi ka matatanggap dito kung hindi rin pumayag yung tatlo"

Tuluyang nanghina ang tuhod ng dalaga. Napaupo ito sa upuan sa tapat ng amo nya.

"What happened?" Wala sa sariling tanong nya. Di nya rin kasi maalala kung paano at bakit sya napunta doon.

"Bakit tayo magkasama? Bakit tayo magkatabi? Bakit nandon ako? Anong nangyare?"

Nakatitig lang si Luke sakanya. Naguguluhan din ang binata, sa totoo lang. Naaalala nya ang mukha ng dalaga pero hindi nya rin alam kung bakit or paano.

"Hindi ko rin alam"

---

Nirereview ni Alex ang mga schedules na nakasulat sa binigay sakanyang scheduler. Napaangat sya ng tingin nang lumabas ng office ang boss nya.

"After ng lunch meeting, may meeting ka pa ng 3pm, sir" napatango ang boss nya. Hinintay lang sya nitong kunin ang mga papel na pinadala sakanya at naglakad narin.

"Luke nalang" Wika ng binata bago sila makarating sa elevator. Magsasali pa sana sya nang biglang pumasok si Pau at isang babae.

"Pre. On the way na daw sila Mr. Santiago" pagbibigay alam ni Pau kaya napatango lang sya.

Nilingon sya ng katabi nyang babae. Nasa harap lang nilang dalawa si Luke at Pau nang banggain sya nito.

"Natanggap ka pala? Congrats!" Bulong nito sakanya kaya bumulong din sya nang thankyou.

"Marie nga pala. Alex, right?"

Napangiti ang dalaga habang tumatango. "Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Usap usapan ka ngayon dito sa company. Ikaw lang kasi yung kaisa isang tinanggap sa dami ng nagapply"

Nagulat man ay tumango lang si Alex.

---

Nasa kalagitnaan sila ng meeting at ang dalawang secretary ay busy sa pagtype sa laptop. Yun ang trabaho nila, ang itala bawat detalye ng mga napag usapan ng dalawang panig.

Nang matapos ang meeting, umalis na sila Mr. Santiago at secretary nito. Nanatiling nakaupo ang apat sa loob ng restaurant kaya hinintay lang din sila ng dalawang babae.

Nasa hiwalay na lamesa ang dalawa habang ang dalawang lalaki ay nasa kabilang lamesa habang nagbabasa ng kung ano mang binabasa nila.

"Goodluck" sabi bigla ni Marie habang nakatingin kay Luke na busy sa pagbabasa.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now