Luke's PoV
"Okay lang naman na hindi ka bumalik" sabi nya habang tumatango tango. No hindi yun okay para sakin.
Hindi ko kasi alam kung kelan babalik. Paano kung okay na ko tapos pagbalik ko, hindi ka pa pala okay?
"I have Paul now"
Parang tinusok yung puso ko nung sinabi nya yon. Gusto kong sumigaw pero napapangunahan ako ng lungkot. Hindi ko alam mararamdaman ko.
"Sigurado ka bang hindi ka na babalik sakin?" Hindi ko napigilang itanong. May malaking part sakin na umaasang babalik sya sakin eh. Hindi pa naman huli ang lahat.
"Paano ako babalik kung hindi ka naman bumalik?"
"Come on, Alex. We both didn't know kung kailan tayo magiging okay parehas. We didn't gave an exact time and date kung kailan tayo mahiheal parehas. How am I supposed to know kung okay ka na ba kung you didn't even bother to contact me kahit once lang? Sabi ko sayo tawagan mo ko. Sinabi ko yon bago tayo maghiwalay."
Para na kong maiiyak sa sakit. Hindi ko pwedeng ipakita to kay Alex pero hindi ko na mapigilan. Nakakasama ng loob. Ni hindi ako tumingin sa iba kahit na ang tagal na naming hindi nagkikita at walang kasiguraduhan kung magkikita pa ba kami. Tapos malalaman ko na may nanliligaw na pala sakanya and worst, sabi ni Clarenz may balak na syang sagutin ngayong gabi.
"Alam kong sasagutin mo na yung Paul na yon tonight."
Napatingin sya sa akin at saka napayuko. "Sana"
"Sana? Alex, kung hindi ba kita pinagstay dito ngayon, kayo na? Sasagutin mo talaga sya? Paano ako?"
Hindi ko to dapat itanong sakanya kasi hindi ko sure kung gusto pa ba nya ko. Sa tagal naming magkahiwalay, who knows diba? Baka nahulog narin naman sya kay Paul kaya gusto nya nang sagutin.
Nagtatanong lang naman ako kung paano ako eh.
"Answer me. Paano ako?"
Nilingon nya ko and I was shocked nang makitang umiiyak sya. Damn, wag kang umiyak.
"Okay fine. Sasagutin ko sana sya pero I can't anymore. Nakita kita dito. Inurong ko yung plano ko kasi I saw you. Okay na? Nasagot na ba nun lahat?"
So anong ibig sabihin non?
"Pero sorry kasi ayoko namang umasa yung tao. I let him court me for a long time and ayoko namang masabihan nya kong paasa. Mabait naman sya eh. He deserves to be happy"
"And you're happy? When he's happy? O gusto mo lang syang maging masaya kasi nakokonsensya ka?"
That caught her off guard. Hinampas nya ko sa braso at hindi napigilang umiyak nang umiyak. I caught her.
I just grabbed and hugged her tightly. Kumakalas sya pero mas lalo ko lang hinigpitan para hindi sya makawala.
Ayoko syang pakawalan. Ayoko na. Tama na yung binigay kong time and space, hindi na ko ulit magbibigay kapag nag ask ulit sya. No, not anymore.
Tumatakbo si Clarenz na lumapit sa amin kaya napasenyas akong wag syang maingay. Nakuha naman nya yon agad at sumenyas din na papasok na sya sa hotel na agad kong tinanguan.
YOU ARE READING
Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)
RomanceWhat is a perfect relationship when both of you are not perfect? Alex and Luke met in wrong time and place. May mga bagay talagang hindi mo kayang baguhin. Pero may chance nga bang mabago mo ang future kung ngayon palang ay mali na? Maitatama pa nga...