16 | Decisions

89 6 5
                                    

"T-tito, tita, good morning po" di ko rin alam kung bakit ako nauutal. Basta nahihiya ako kasi sabi ni Jah, kanina pa sila naghihintay.

Kasalanan ko bang mahilo? Morning sickness, everyone. Baka gusto nyo kong hatian para hindi masyadong masakit?

"Good morning, hija! Dumaan lang kami kasi aalis kami ng tito mo. Nakapagimpake ka na ba ng gamit?"

Sinalubong ako ni tita ng yakap. Nakatingin lang ako kay tito na kanina pa nakatingin sa tyan ko. Nakakahiya!

"Impake po?"

Nagtakha si tita sa tanong ko. Hindi pa naman ako nakakapagdesisyon kung lilipat ba ko eh!

"Nagpaalam samin si Luke nung nakaraan, sabi nya papalipatin ka daw nya sa condo nya a?"

"Ay tita, hindi pa po ako pumapayag. Ano kasi... secretary nya ko tapos parang ang pangit naman kung dun ako titira sakanya"

Napailing si tita at saka ako hinawakan sa magkabilang braso. "No, hija. Mas maganda yun for you. Kapag nalaman na ng lahat na you're pregnant, atleast magkasama kayo sa bahay. You don't have to worry"

Napailing ulit ako sa sinabi nya. Nag usap na kami ni Luke about dyan. "Tita, nag usap na po kami ni Luke. Hindi namin sasabihin na sya yung dad--"

"Pano pag lumabas yan? Itatago nyo sa lahat kung sinong tatay nya? Alexandra, isama nyo sa desisyon nyo yang bata."

Napatingin kaming dalawa ni tita kay tito. Seryoso ang mukha nyang nakatingin sa akin. Kinikilabutan ko sa mga tingin nya

"Kung anong desisyon nyo ngayon, sya ang magdadala nyan paglabas nya. Itatago nyo? Walang natatago, Alex. Kung maitatago nyo man yan, anak nyo mahihirapan"

Nilapitan ni tita si tito at saka sya hinawakan sa kamay. "Tara na baka malate na tayo. Baka ano pang masabi mo, hon"

Hinatak nya si tito palabas ng pinto kaya napayuko ako. "I-ingat po--"

"Alex, hindi ako galit sayo. Nag usap na kami ni Luke. Kaya please, lumipat ka sakanya. It's for your child's sake. Isipin mo future nyo dahil inilaban ka ni Luke sa akin. Marami na syang plano para sainyo"

Nginitian ako ni tito kaya napangiti nalang din ako. Hindi sya galit.

Parang nabunutan ako ng tinik sa mga sinabi nya. Nagpaalam silang dalawa sa akin at kay Justin na kakagaling lang sa kusina.

Paglabas nila, nakasandal ako sa pintuan.

Inilaban ka ni Luke sa akin. Marami na syang plano para sainyo.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now