38 | Plans

104 10 3
                                    

Luke's PoV

Pinilit kong tapusin lahat ng kaya kong tapusin ngayong araw dahil may lalakarin pa akong importante na hindi relate sa trabaho. Uuwi ako sa bahay ngayon at may mga dadaanan pa ko.

"Sharmaine, kung wala ka nang gagawin, pwede ka nang umuwi. Mauna na ko" bilin ko sa secretary ko paglabas ko ng office. Napatingin sya sa orasan at saka ako nginitian. "Pwede na ko umuwi? 3pm palang?"

Tinanguan ko sya at saka na sumenyas na aalis na ko. Pagkatango nya, nagsimula narin akong maglakad.

Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni mommy. "Ano ba yung sasabihin mo? Kinakabahan ako! Lagi mo nalang akong pinapakaba!" Natawa ako sa bungad nya sa akin. Nagbeso lang kami at saka pumunta sa garden kung nasaan si Dad.

"Dad." Napalingon sya sa akin at tumingin sa likod ko. "Ikaw lang? Si Alex?"

Napangiti ako sa tanong nya. Alam na nilang nagkita na kami ni Alex at alam din nilang kami na. Ilang linggo narin pero hindi na ko makapaghintay kaya umupo na ako agad sa bench. Sumunod naman silang dalawa.

"Dad, mom, magpropropose na ko kay Alex"

Nanlaki ng mata ni mommy pero si dad wala man lang kaemoemosyon ang mukha. Tumango lang sya, "Kailan mo balak?"

"Bukas"

"Hoy anak ang bilis mo namang magdesisyon! Bukas agad? Wala pa kong isusuot na damit!" Sigaw ni mom sa akin kaya napakunot ang noo namin ni Dad.

"Ang dami dami mong damit dyan, hon. Hindi na nga magkasya sa closet mo"

"Kailangan ko ng bago kasi special occation yun!"

Bago pa sila mag away ay tumayo na ako. "Yun lang sasabihin mo?" Tanong ni mom sa akin kaya tumayo ako. Tiningnan ko ang oras, 3:30pm na.

"Ininform ko lang po kayo. Dadaan pa ko sa bahay, titingnan ko kung ano nang natapos" tumango lang sila kaya nagpaalam narin ako agad.

Kailangan ko lang dumaan saglit sa pinapagawa kong bahay dahil anong oras na. Pagkauwing pagkauwi ko kasi nung nakaraang linggo galing kila Alex, tinawagan ko agad ang engineer at arch para ipatuloy na. Yun ang unang una sa listahan ko na plano ko sana sa amin nila Alex at ng anak namin noon.

"Engineer! Ayos a? Isang linggo lang, marami na agad nadagdag"

"Ganyan ka kalakas samin, Luke" natawa ako sa sagot nya. Sya kasi ang mula't mula na engineer ng pamilya. Sakanya rin ako lumapit noon nung nagpaplano kami nila Pau na ipatayo ang kompanya. Sya rin at ang partner nyang archi ang gumawa noon sa bahay ng pamilya namin kung saan nakatira sila mom at dad.

Saglit lang talaga ako dito dahil pupunta pa ako kila Alex. 4pm na, 7pm na ko makakarating doon at uuwi rin ako agad. Medyo nakakapagod pero alam ko namang worth it kapag natapos na lahat. Para rin naman kay Alex to eh.

Sya ang una at huli kong girlfriend kaya ibubuhos ko na lahat. Oo na, wala pa kaming 2 weeks na in a relationship pero gusto ko na agad magpropose. Propose palang naman, di naman ibig sabihin non ay kasal agad.

Perfect | SB19_Josh (JoshLyn)Where stories live. Discover now