Chapter 4: Letter

59 7 11
                                    

It's been three days.

Tatlong araw na simula nang makalabas ako ng ospital, at ngayon lang ulit ako nakalabas para makapagpahangin at makapagkape.

Hindi ko tuloy maiwasang maging emosyonal para sa 'king sarili. Buhay pa ako, ngunit parang may bagay na nakatarak na sa 'king kaluluwa, na siyang pinapatay ako araw-araw.

Napahinga ako nang malalim at nakita ko ang pagkalito ni Simon mula sa sinabi ko, pero agad naman siyang tumango rito. "O-Of course, Ryse. What is it?"

Napalunok ako ng ilang beses at inilahad sa kaniya ang puting envelope. "Puwede mo bang... ibigay ito kay Master?"

Bahagya siyang nagulat at ngayon ay nalilitong tinitigan ang envelope. "What's this, Ryse?" he questioned.

"I-It's... It's my resignation letter," tipid kong turan na siyang ikinagulat niya.

"R-Resignation letter? Aalis ka ng IOSoft?" gulat niya ring tanong.

Tumango ako saka ibinaba sa mesa ang envelope nang hindi niya 'yon tinanggap.

"But why?"

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Alam kong... mas maiintindihan mo rin ang pag-alis ko sa IOSoft," tahimik na saad ko. "You were there, Simon. Nakita mo at napakinggan mo ang lahat. At alam kong naniniwala kang hindi totoo lahat ng 'yon." Napatitig ako sa kape ko. "Ayoko ng gulo, kaya mas mabuti na umalis ako."

He sighed long and deep. "Pero, Ryse..."

"Nakapagdesisyon na 'ko, Simon. Pinag-isipan ko na ito nang mabuti simula nang magising ako sa ospital." Kinuha ko ulit ang envelope sa mesa saka ako tumitig nang may pagsusumamo sa mga mata niya. "P-Please, Simon, pakibigay ito kay Master." Kinuha ko ang kaliwang kamay niya at inilagay ko sa kaniyang palad ang aking resignation letter. "Please? Please, Simon?"

He frustratedly sighed. Pinasadahan ng kaniyang mga daliri ang kaniyang buhok at bumaba ang tingin niya sa envelope saka siya tumango na para bang wala nang ibang choice.

Tipid akong napangiti at umayos sa pag-upo. "Thank you, Simon. I really know that you're going to understand my decision."

He bit his lower lip and took a deep breath. "You know that I can do anything for you..." he uttered while looking at me.

Natigilan ako sa kaniyang sinabi, subalit pinili kong hindi bigyan 'yon ng ibang kahulugan. Naputol ang titigan namin nang tumunog ang cellphone ko dahil sa isang mensahe. Pinulot ko ito at binasa ang nakasulat sa screen.

"Kailangan ko na pa lang umalis, Simon," winika ko't sinulyapan siya.

"Ha? Aalis ka na? Saan ka pupunta?" nakakunot-noo niyang tanong.

"May importante kasi akong kailangang puntahan," tugon ko't uminom ng kape.

"Puwede ba kitang... samahan?" malumanay niya namang tanong.

Ibinaba ko sa mesa ang kape at malungkot na umiling. "Hindi na, Simon. Kaya ko nang puntahan 'yon."

"Ihahatid na lang kita ro'n, Ryse," pangungulit niya.

Tahimik akong natawa. "Kung sasamahan mo ako ngayon, tatanggihan ko ang alok mong lumabas tayo," may halong pananakot ko.

Napansin ko ang pag-atras niya sa pagkabigla saka siya napangiti. "Okay," pabuntong-hininga niyang winika habang nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Basta... mag-iingat ka."

Nginitian ko lang siya't tumayo na sa maliit na sofang inuupuan. "Don't worry. Ikaw rin," huli kong sinabi bago ako nagpaalam sa kaniya.

Ang totoo niyan ay wala naman akong pupuntahan na importante. Sa ngayon kasi, gusto ko munang magpahangin sa mas tahimik na lugar.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon