Matapos halikan ni Calvin ang likod ng palad ko ay agad kong nahihiyang binawi ito.
"N-Nice to meet you," 'yon lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko dahil sa kabang kanina pang bumabalot sa dibdib ko.
Calvin smiled. Nilingon niya si Calissa at hinalikan ito sa pisngi. "I have to go," he whispered.
Tumango si Calissa. "Okay. Take care, onisan. Jyaa ne!"
Bago umalis si Calvin ay nakangiti niya akong sinulyapan, pagkatapos no'n ay dire-diretso na siyang naglakad paalis ng ospital kasama ang mga tauhan niya.
"Pagpasensyahan mo na si Kuya Calvin. He's like that sometimes," nakangiting inusal ni Calissa.
Napailing ako. "Hindi. Ayos lang. Nagulat lang ako," saad ko. "Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pa pala kayo ni Caleb."
She wrapped her arms around herself and chuckled. "He's our older brother, Athena. Tatlo lang kaming magkakapatid," she said.
Napatango-tango ako. So... panganay pala si Calvin. Pangalawa si Caleb at bunso si Calissa. At nakatutuwa na pare-parehas na nagsisimula sa letter C ang mga pangalan nila.
Parehas kaming natigilan nang makita namin ang pagdating ni Amanda.
Pinagtaka ko naman nang makita ko ang pagtaas ng kilay ni Calissa. Humakbang siya para harangin ang dinadaanan ni Amanda saka nito pinagkrus ang mga braso niya.
"What are you doing here?" mataray na tanong niya kay Amanda.
"I want to see your brother, Calissa. Please let me see him," tugon ni Amanda sa mahinahong boses.
"No, I will not allow you," Calissa answered in a serious tone.
Napalunok si Amanda. "I know you don't like me for your brother, Cass. But I love him–"
Napahinto sa pagsasalita si Amanda nang itinaas ni Calissa ang kamay niya. "Umalis ka na. Baka nakakalimutan mong wala na kayo ni kuya?"
"I know. But please, let me visit him. I just want to know if he's okay–"
"He is okay," Calissa blurted out. "Now that you already knew that he is okay, you can go home."
Napatungo si Amanda at nang mag-angat siya ng tingin ay dumapo ang paningin niya sa 'kin. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat na makita ako.
"W-What is she doing here?" napataas ang boses niya sa kaniyang tanong habang nakaturo siya sa 'king direksyon.
Calissa gave her a half-shrug. "She's here to visit my kuya. Why? Is there a problem with that?" mataray nitong tanong.
Hindi makapaniwala si Amanda sa sinabi ni Calissa. She looked at me like I did something bad – forehead creased and furious eyes.
"W-Why are you allowing her to visit Cal?"
"Duh?" mabilis na reaksyon ni Calissa. "Why not? She's my future sister-in-law," winika niya na binigyan ng diin ang huling salita, na siya ring sabay naming ikinagulat ni Amanda.
H-Ha? Ako? F-Future sister-in-law?
"What? Majide?" Amanda shockingly asked. "B-But, Calissa, did you know that she was the reason why Caleb and I broke up?"
Calissa rolled her eyes heavenward. "I don't care about that, Katsumi," she said. "Will you please stop blabbering things and go home?"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa mga narinig.
Ngayon ko lang nalaman na hindi pala gano'n ka-close ang dalawa. Buong akala ko'y okay sila, 'ayun pala ay hindi.
Nagtiim ang bagang ni Amanda at nakuyom niya ang mga kamay niya saka niya ako sinamaan ng tingin. Ngunit hindi ako nagpaapekto ro'n. Tamad ko lang na sinalubong ang masama niyang tingin.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...