Chapter 28: Promise

38 6 8
                                    

“Ate Athena!”

Lumapad ang ngiti ko nang makababa ako ng sasakyan nang salubungin ako ng mga kapatid ko. Sila nanay nama’y dire-diretso lamang na pumasok ng bahay matapos magmano nila Allan, na siyang nagpakirot muli sa ‘king puso.

Mahigpit akong niyakap nina Angie at ni Allan, samantalang si Kuya Anton nama’y mukhang maluluha habang ginugulo ang buhok ko. Mahina ko siyang pinalo sa kaniyang braso at hinigit siya upang isali sa aming yakap. At maya-maya’y doon na kami sabay-sabay nag-iyakan, na parang mga batang musmos.

“Ate, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan sa nangyari?” umiiyak na tanong ni Angie.

Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa pisngi niya. “Okay ako. Hindi naman ako napano. ‘Wag ka nang umiyak. Tahan na.”

“Bakit hindi mo sinabi sa amin ang mga nangyari sa ‘yo? Bakit sa iba pa namin ‘to malalaman?” may halong inis na tanong naman ni Kuya Anton.

Napayuko ako habang pinapahiran ang mga natuyong luha sa ‘king pisngi. “A-Ayaw ko lang na mag-aalala kayo sa ‘kin.”

He heaved a sigh and pulled me again into a tight hug. “Mabuti na lang walang nangyaring masama sa ‘yo. Dahil kung saka-sakali ay baka hinabol na ng angkan natin ng itak ‘yang buong pamilya ni Caleb mo,” binigyang diin niya ang huling salita para asarin ako.

Napanguso ako’t pinalo siya sa dibdib niya. Bigla akong napatalon sa gulat nang sundutin ni Allan ang tagiliran ko.

“Ikaw, ate, a? Boyprend mo na pala si Caleb.”

Napatili si Angie sa kilig. “Yieee! Si ate may love life na! Akalain mong boss niya lang pala ang magpapatibok sa tahimik niyang puso!”

“E, pinagluto ba naman niya ng humba. Syempre na-in love ‘yong tao,” panunukso ni Kuya. “Ang hindi niya alam nagayuma na pala siya ni Tina,” sabay halakhak niya nang malakas, na siyang sinabayan pa nila Allan.

Nagtagpo ang kilay ko’t ginamit ang dala kong payong para pagpapaluin sila, subalit hindi ko sila natamaan dahil kaagad silang nagsitakbuhan sa loob ng bahay.

“Hindi ko ginayuma si Caleb, ‘no!” inis kong sigaw.

Gano’n ba ako ka-pangit para sabihing ginayuma ko ‘yong tao?

***

“Bakit nandito pa ang mga ‘yan?”

Natigilan ako sa paghihiwa ng sibuyas nang marinig ko ang tanong ni nanay tungkol sa mga tauhan ni Caleb. Nang lingunin ko siya ay nakapamewang siya habang kunot na kunot ang noo sa pinaghalong galit at inis.

Mabigat akong napalunok. “Ano po kasi, nay... D-Dito po muna sila, magbabantay po sa ‘tin.”

“Bakit pa?” she asked in a high voice. “Akala ko ba, maayos na ang lahat? Naipakulong naman nila ‘yong mga nagtatangka sa buhay nila. Bakit kailangang pang may magbantay rito?”

Naibaba ko ang aking mga kamay. “Isinama lang po sila rito para masigurado pong okay po tayo, nay.”

Napapalatak siyang umiiling-iling. “Iyan na nga ba ang sinasabi ko. Sa dami kasi ng lalaki sa mundo, ‘yang Caleb na ‘yan pa ang napili mo,” bulong niya. “Okay naman tayo, kahit wala ang mga ‘yan,” matigas niya namang sabi. “Pagbibigyan ko sila ngayon na manatili rito ng isang gabi. Pero bukas, pauwiin mo sila. Hindi natin sila kailangan dito. Naiintindihan mo ba?”

Natataranta akong tumango nang tumango. “Opo, nay.” Yumuko ako nang dumaan siya sa harapan ko papunta sa likod ng bahay.

Nahugot ko ang hininga ko’t napatingala sa kisame nang mag-init ang sulok ng mata ko.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon