Chapter 16: Tour

41 6 7
                                    

Napabangon ako bigla sa ‘king malambot na hinihigaan. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa katabing mesa at kagat ang pang-ibabang labi na nasapo ang aking noo.

Alas-nuwebe na ng umaga at kagigising ko lang! Jusko. May importante kaming pupuntahan ngayon ni Caleb, tapos late pa akong nagising!

Ang isang dahilan kung bakit kami nandito ni Caleb sa Palawan ay para tingnan ang lupang bibilhin ng pamilya nila. Plano din kasi nilang magpatayo ng hotel dito sa El Nido, kaya ngayo’y gusto muna nilang i-check ang lugar bago ito bilhin.

Sakto nang makatayo ako ay narinig ko ang mga katok sa ‘king pinto. Bigla akong nag-panic at nagbaba ng tingin sa ‘king sarili. Nagulo ko ang aking buhok at tumakbo papunta sa banyo para maghilamos.

Ba’t ba ako hindi nag-alarm man lang?

Kinuha ko ang bathrobe at isinuot ito. Nang sandaling nabuksan ko ang pinto ay napahugot ako ng hininga nang malanghap ko kaagad ang kaniyang pabango.

Mas lalo siyang gumaguwapo sa suot niyang half-sleeve flower printed shirt at sa puting chinos pants, saka nakasuot pa siya ng panama hat, na talagang nakakalakas ng kaniyang dating.

Si Caleb ba ‘to?

Jusko, ba’t ang hot ng mahal ko! Nagmumukha tuloy siyang artista!

Natakpan ko ang bibig ko sa hiya nang magbaba muli ako ng tingin sa 'king sarili. “K-Kakagising ko lang.”

He leveled his gaze at me and he smiled with a corner of his mouth. “Good morning,” he said, his voice breathy.

Kay gandang bungad...

I felt myself blushing. “Morning,” I said, still covering my mouth with my other hand. “Pasensya na, Caleb... Hindi pa ako naliligo. Late kasi akong nagising,” nahihiya ko pa ring sabi.

“Ayos lang, Athena,” he uttered. “Just take your time. I’ll wait for you.”

Umiling ako. “Mauna ka na sa baba. Hahabol na lang ako. ‘Tsaka... baka dumating na ang anak ni Mr. Akanishi.”

Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang relo. “But she’s not here yet. Sabay na tayong bumaba,” he pleaded softly.

Muli akong umiling. “No, don’t wait for me. Matagal pa ako. Mauna ka na lang. Hahabol na lang ako,” saka ako ngumiti sa kaniya, para ipakita sa kaniyang ayos lang.

He sighed and nodded understandingly after a moment. “Do you want me to bring you breakfast?”

“‘Wag na, Caleb,” malumanay kong tugon. “Sige na. Pumunta ka na sa baba. Baka dumating na siya.”

Balak ko na sanang isara ang pinto nang lumapit sa ‘kin si Caleb. Tinakpan ko ulit ang bibig ko para hindi niya maamoy ang hininga ko at hindi ko naman inaasahan ang sunod niyang ginawa. He closed the small space between us and pressed a soft kiss on my forehead.

“I’ll wait for you at the restaurant,” he half-whispered and left.

Natameme ako’t napakurap-kurap sa nangyari. Wala sa sarili akong napahawak sa ‘king dibdib nang maramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay sasabog ‘yon sa sobrang bilis.

Naisara ko ang pinto at hindi ko napigilang mapangiti. Tumakbo ako kaagad papunta sa banyo at ngingisi-ngising tinitigan ang repleksyon ko sa salamin nang makita ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.

***

Mabilis agad akong natapos sa pagligo at sa pag-aayos. Bago ako umalis ng kuwarto ay tiningnan ko muli ang sarili ko sa vanity mirror at nang makuntento ay masaya akong lumabas. Hindi na ako nagulat nang makita si Kuya Mike sa labas ng kuwarto ko.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon