"Ang lalim naman ng iniisip mo, babe. Sa sobrang lalim, hindi ko na magawang makaahon," Zurt uttered teasingly.
Nagulat ako sa sinabi niya pero as always, I rolled my eyes at him. Tinikman ko ang cake na ginawa niya at halos malukot ang mukha ko sa sobrang tamis no'n. Napainom tuloy ako ng maraming tubig.
"Grabe ka, Zurt! Balak mo bang magkasakit ang mga customer mo ng diabetes!"
He gazed at his cake innocently. Nang tikman niya 'yon ay natatawa siya at maging siya'y napapangiwi sa sobrang tamis ng ginawa niyang cake.
"O, ano? Anong lasa, Sir Del Frado? Bakit pumalya yata timpla mo ngayon? Problema mo?" tumulis ang pagkakanguso ko nang tanungin ko 'yon sa kaniya.
He laughed and shook his head. "Wala. Lunod na lunod lang sa sobrang pagmamahal mo, babe."
Muntik nang mamula ang mukha ko sa tamis nang pagkakasabi niya no'n, sabayan pa na bagong haircut siya na lalong nagpaaliwalas sa espanyol niyang pagmumukha. Buti na lang pumasok agad sa isip ko ang mga kalokohan niya kaya napigilan ko 'yon.
"Sira!" I told him. "'Wag mo namang tamisan masyado, Zurt."
"Okay, okay. Noted, babe," tatawa-tawa niyang sabi at may inilagay na namang bagong cake sa harapan ko. Kulay ube 'yon at may mga blueberries sa gitna.
Napanood niya lang daw ito sa isang food channel kaya gusto niyang subukan para magkaroon ng bagong flavors ang mga binebenta niyang cake sa kaniyang coffee shop.
Bumuga ako ng hangin at sumandal sa upuan. Dalawang cake pa lang ang natikman ko pero pakiramdam ko nabusog ako agad.
"Zurt, may alam ka bang malapit na paupahang apartment malapit sa kompanya mo?" wala sa sarili kong naitanong sa kaniya.
Mukhang nagulat siya sapagkat halos mabulunan siya sa kaniyang iniinom. "Bakit? Lilipat ka, babe?"
Tumango ako. "Parang gano'n na nga. Gusto kong makalipat agad sa lalong madaling panahon."
Humalukipkip siya at binabasa ang mukha ko. "Why? Is there something wrong? May gumugulo ba sa 'yo? Sabihin mo sa 'kin kung sino," saad niya na para bang handang bugbugin ang sino mang nanakit sa 'kin.
Kaya ganiyan na siya kung maka-react dahil naikuwento ko na sa kaniya ang mga importanteng detalye simula no'ng pangalawang araw ko pa lang sa IOSoft kung saan may dalawang mga misteryosong lalaki ang nagtangka sa buhay ni Caleb hanggang sa huling trahedyang natamo ko – no'ng binaril ako ni Rena dahil sa matinding selos.
"Wala naman," pabuntong-hininga kung tugon. "Gusto ko lang lumipat sa ibang lugar. Tutal may bago na akong trabaho kaya mas maganda kung makalipat ako ng ibang titirhan na mas malapit sa trabaho." At para tuluyan na akong makaiwas kay Caleb...
Puno nang pag-iintindi ang kaniyang pagtango. "Okay, babe. Ako na ang bahala."
Nakahinga ako nang maluwag. Marami kasi siyang kilala kaysa sa 'kin at alam kong mabilis siyang makahahanap ng maaari kong tirhang apartment. At alam niya rin naman kung hanggang magkanong rates lang ang kaya ng budget ko.
"Thanks, Zurt!" masaya kong winika kaya't agad naman siyang kumindat sa 'kin.
***
Pagkatapos ng trabaho ay agad akong sumabay palabas sa mga ka-officemates ko. Nang makarating ako sa labas ng kompanya ay napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Mabilis ko namang binasa ang text na galing kay Zurt.
May good news ako sa 'yo, babe.
My lips twitched. Mabilis akong nagtipa ng message.
Ano ang good news?
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...