“Umuwi ka na. ‘Di na ako galit,” I said while pouting.
I heard Caleb’s laugh. “I miss you more,” he said in his soft voice. Matagal siyang tumitig sa ‘kin mula sa screen bago muling nagsalita, “I wish I could hold you tonight.”
Mas lalo lang tumulis ang pagkakanguso ko nang dumaan ang lungkot sa dibdib ko. “Umuwi ka na kasi.”
He sighed deeply. “Uuwi ako agad diyan sa Pilipinas kapag matapos na ang lahat dito, mahal. I promise.”
Ngumiti ako sa kaniya. “Okay. Mag-iingat ka riyan palagi, a?”
"Ikaw rin diyan. Ingat kayo ngayon sa lakad ninyo ni Chenie. Call me when you get home. Daijoubo?"
I nodded my head like a child. “Daijoubo, Master,” malumanay na saad ko, na siyang ikinaani nang magandang tawa mula sa kaniya.
Hays. Kay aga-aga ang guwapo ng jowa ko! Kung kaya ko lang lumipad papuntang Japan ay baka kahapon ko pa ginawa.
Natigil naman siya saglit sa pakikipag-usap sa ‘kin nang may kumausap sa kaniyang lalaki sa kaniyang opisina. Hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila dahil nagsasalita sila ng Japanese. Nang matapos ang kanilang usapan ay ngumiti siya sa camera kung kaya’t lalong sumingkit ang mga mata niya.
“I’m going to call you later, okay?”
Tumango ulit ako. “Okay, mahal. Love you,” saka ako nagbigay ng flying kiss sa kaniya.
Kuwela niyang sinalo ‘yon at ngumiti nang kay guwapo-guwapo. “Watashi wa anata o aishitemasu,” he gently uttered it before waving me goodbye.
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya kaya kagat ang labi kong kinawayan din siya. Nang matapos ang video call ay napasandal ako sa ‘king upuan at huminga nang malalim. Napahawak ako sa ‘king dibdib habang inaalala ang guwapong ngiti ni Caleb na siyang nagpabuo ng araw ko kaya’t tuluyan muli akong napangiti.
My phone chirped. Mabilis kong sinilip ‘yon at nakita ang dalawang mensahe na galing kay Chenie.
Chenie:
Wer na u, beshy? Malapit na ako.
Chenie:
Don’t make me wait!
Napailing-iling na lang ako’t natawa. Tumayo ako at kinuha ang maliit kong bag sa lamesita. Nang makarating sa labas ay sinalubong ako agad ni Ivan para pagbuksan ako ng pinto ng sasakyan.
“Salamat,” I politely said to him when I entered the car.
“Saan po tayo pupunta, Miss Athena?” tanong ni Kuya Joey habang nakatingin sa ‘kin mula sa rear view mirror.
“Sa malapit na mall lang po,” turan ko.
Kaagad siyang tumango at pinokus ang tingin sa daan.
Simula no’ng nangyari sa Palawan ay bantay-sarado na ako ng mga tauhan ni Caleb. Palagi na nila akong sinusundo at hinahatid, kaya saan man ako magpunta ay sila ang parati kong kasama.
Wala namang kaso ‘yon sa ‘kin. Naiintindihan ko kung bakit kailangan gawin ito ni Caleb, ngunit nag-aalala ako sa safety ng mga tauhan niya. Tao rin sila at may mga kaniya-kaniyang pamilya. Kung kaya’t hanggang maaari ay umiiwas ako sa gulo at aksidente para hindi rin sila mapahamak. Hanggang maaari nga ay gusto ko na lang sana manatili sa loob ng apartment ko kapag walang trabaho. Subalit ayaw ni Caleb na ikulong ko ang aking sarili sa loob ng bahay. Gusto niyang i-enjoy ko rin ang sarili sa labas, syempre nang may pag-iingat pa rin.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...