Namumugto ang mga mata at mabigat ang katawan nang magising ako. Nang sulyapan ko ang aking mga gamit ay halos lahat ito’y nakakalat sa sahig. Napayuko ako sa ‘king mga kamay nang maramdaman ko ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Nanginginig ang bibig ko upang pigilan ang sariling maiyak ulit.
Bakit, Caleb?
Iyon ang palaging tanong na pumapasok sa isip ko. Hindi ko mawari kung ano ang dahilan niya para saktan niya ako nang ganito.
Huminga ako nang napakalalim at mabilis na umiling sa ‘king sarili. Buong tapang akong tumayo at tahimik na pumunta ng banyo para maghilamos. Nang matapos ay hayun ulit ang mga luha ko... wala na namang tigil sa pagbuhos. Napahawak ako sa dibdib ko at ilang beses na huminga nang malalim.
Napahinto ako sa pagpapakalma sa ‘king sarili nang makarinig nang malakas na sigaw sa labas. Mabilis kong kinuha ang tuwalya sa ‘king tabi at itinalukbong ito para takpan ang mukha ko.
Nang makalabas ng banyo ay kaagad akong dumiretso sa labas ng apartment ko. Hindi pa man ako tuluyang nakalalabas ay narinig ko ang sigaw ni Kuya Anton.
“Tangina! Ano ang ginawa mo sa kapatid ko, Caleb?!”
Napasinghap ako sa gulat nang madatnan ko siyang hawak-hawak ang kwelyo ng suot na polo ni Caleb. Habang si Caleb nama’y nakaupo sa sahig at may tama ng suntok sa gilid ng kaniyang labi. Balak na sanang suntukin ulit ni kuya si Caleb nang mabilis ko siyang hinila papunta sa ‘kin.
“Kuya, tama na!” sigaw ko, garalgal ang boses.
Galit ang mga mata akong nilingon ni kuya. “Ano’ng ginawa ng gagong ‘to sa ‘yo, ha, Tina?” nanggigil niyang tanong.
Napalunok ako nang malalim. “W-Wala, kuya,” mahina kong turan.
Peke siyang natawa. “Wala? E, bakit ganiyan ang hitsura mo?”
Doon ako hindi nakasagot. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtayo ni Caleb.
“Sumagot ka, Tina. Ano’ng ginawa ni Caleb sa ‘yo?” kalmado na niyang tanong.
Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Wala nga,” tanging tugon ko. “Pumasok ka na sa loob, kuya. Nakakahiya na sa mga nanonood sa ‘tin. I-explain ko na lang sa ‘yo mamaya...”
His jaw clenched as he made a deathly gaze toward Caleb. “Sige, pagbibigyan kita. Siguraduhin mo lang na ma-e-explain mo lahat 'yan sa ‘kin.”
Napayuko ako at mahinang tumango. Mabigat na napahinga nang malalim si kuya at walang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng apartment.
I breathed heavily. Nakita ko ang paghakbang papalapit sa ‘kin ni Caleb, ngunit mabilis kong itinaas ang kamay ko sa direksyon niya upang pahintuin siya.
“Stop,” I said, sternly. “’Wag kang lalapit sa ‘kin.” Bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay sadyang napakasakit at kay bigat, sapagkat ito’y kabaliktaran sa nais ko.
Gusto kong lapitan siya, yakapin nang napakahigpit. Pero hindi puwede... hindi puwede.
“A-Athena, m-mahal ko...” he uttered in a low voice, rinig na rinig ko ang sakit do’n.
Napapikit ako nang mariin. “’Wag mo na ulit akong tatawagin niyan. Umuwi ka na.”
“M-Mahal, hindi ko alam kung ano’ng nakita mo,” buong tapang niyang sabi, “pero maniwala ka man o sa hindi–”
“Ayoko munang pakinggan ‘yan,” I uttered, coldly. “Wala ako sa kondisyon. Sapat na sa ‘kin ‘yong nakita ko. Kaya ayoko nang marinig pa ang mga sasabihin mo, Caleb,” huli kong sinabi bago ko siya mabilis na tinalikuran.
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...