Chapter 5: First Day

58 7 21
                                    

"Wow," tanging nasambit ko nang marating namin ni Zurt ang second floor ng kaniyang café. Ito kasi ang first time kong makaakyat dito dahil katatapos lang ang construction nito.

Minimalist din ang style nito katulad lang sa baba at may mga libro pa sa bawat corner kung sakaling gustuhin mong magbasa-basa.

Makapal at transparent ang mga salamin na nagsisilbing pader din ng café. May mga paintings din na nakasabit na bumabagay sa kabuuan ng interior design kasama na rin do'n ang mga mesa't upuan.

"Iba ka na ngayon, a? Asensadong-asensado ka na talaga, Zurt," winika ko nang maupo kami.

Naikuwento sa 'kin dati ni Zurt na susubukan niya lang magpatayo ng sariling coffee shop. 'Pag hindi raw ito maging successful ay titigil siya't magfo-focus na lang sa family business nila.

He wanted to prove to himself that he can manage his own business. Kaya natutuwa ako na makitang nagawa niyang maging successful kahit busy siya sa sariling negosyo ng kaniyang pamilya.

Nagtaka naman ako nang hindi sumagot si Zurt. Nang lingunin ko siya ay nakasimangot ang mukha niya sa 'kin.

"Bakit?" I mouthed.

"Bakit ngayon ka lang bumisita rito?" nagtatampo niyang tanong. "I was calling you, babe. Pero kahit isang tawag ko ay wala ka man lang sinasagot. Buong akala ko, iniiwasan mo na ako."

Napakamot ako sa 'king ulo. "Sorry naman po. Naging busy po kasi ako sa buhay at trabaho. 'Tsaka kaya hindi ko po nasasagot ang mga tawag mo dahil na-snatched po 'yong phone ko," mahinahon kong saad at saka ngumiti.

I heard him sigh. "Akala ko talaga iniiwasan mo na ako."

"Psh. Bakit ko naman gagawin 'yon?"

Nagkibit-balikat siya. "Baka na-i-in love ka na sa 'kin kaya umiiwas ka," nakangisi na niyang turan.

Ako naman ngayon ang napasimangot. "Proud ako sa mga achievements mo kahit ganiyan ka," nakangiwi kong sinabi.

Humagalpak siya sa pagtawa, kaya ang ilang customer niyang abala sa pagbabasa ay napalingon sa kaniya, pero nang makitang si Zurt 'yon ay nakita kong kinikilig sila sa tawa nito.

"Thank you, babe," tugon niya sa 'kin nang dumating ang pagkain namin.

Nang makaalis ang waitress ay nagtanong ako, "Busy ka ba? May importante ka bang pupuntahan ngayon?"

Nakapandekwatro siyang umupo sa kaniyang silya. "I don't have any appointments today. Why, babe?" he asked while flashing his uber smile.

Humugot ako nang malalim na hininga. "Hihingi kasi sana ako ng tulong sa 'yo."

"Sure. What kind of help?" nakakunot-noo niyang tanong saka uminom ng kape.

"Naghahanap kasi ako ng trabaho ngayon. Puwede mo ba akong bigyan ng trabaho? Okay sa 'kin na maging waitress dito–"

"What? No way," protesta niya. "Hindi ako papayag na maging waitress kita rito sa café ko, babe." Ibinaba niya ang kaniyang kape sa mesa. "But wait – you lost your job? Akala ko nasa MCOSoft ka. What happened?"

Malungkot akong tumingin sa kaniya't naikuwento ang nangyari kung bakit ako natanggal sa MCOSoft.

"Nakakainis talaga 'yang si Mandy. Feeling ko talaga, pinakiusapan niya si Sir Lou na matanggal ako sa MCOSoft. At ito naman si Sir Lou, nagpakashunga. Sinunod ang gusto ni bruha," sikmat ko kung kaya't nakaani ulit no'n ng tawa kay Zurt. "Pero ang mas nakakainis ro'n, inagaw niya ang design ko, Zurt."

"What? She did that?" gulat niyang reaksyon. "Iyang si Mandy ba, 'yon 'yong kaaway mo no'ng college?"

Mabilis akong tumango't tinikman ang croissant. "Oo. At siya rin 'yong babaeng nakahalikan mo sa likod ng studio hall."

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon