Dedicated to Fritz Novem
ATHENA
Umawang ang bibig ko't hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Caleb.
Liligawan niya r-raw ako?
Hindi ba ako nanaginip? Tama ba ang mga narinig ko sa kaniya?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa pagpipigil na kurutin si Caleb. Jusko. Kaunting-kaunti na lang talaga'y hihimatayin na ako rito. At kaunti na lang din ay matutunaw na ako rito na parang isang yelo sa mga titig niya.
Dahil hindi ko na ma-take ang titig niya'y nahihiya akong napaiwas ng tingin.
"I-Ikaw bahala," kaswal ko kunwaring winika, sinabayan ko pa nang tipid na kibit-balikat. Ngunit sa loob-loob ko'y naghuhuromintado ang nararamdaman ko sa labis na kilig.
"One Honeydew Milk Tea for Athena!"
Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang pangalan ko. Mabilis akong tumayo at kinuha ang order ko sa counter. Pagkatapos no'n ay masaya akong nagdire-diretso sa paglalakad papasok ng opisina.
Alam kong naging mabilis ang mga nangyari at mapahanggang ngayon ay hindi ko inaasahang magkakagusto si Caleb sa isang tulad ko.
Hindi naman kasi ako nangalahati sa ganda ni Amanda.
In speaking of her, ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Ang huling beses na nakita ko siya ay no'ng pumunta siya ng ospital para sana bisitahin si Caleb.
Napabuga na lamang akong ng hangin at napailing.
Mabuti na rin 'yon dahil iniiwasan ko ring makita siya. Baka kung ano na naman ang isipin niyang gawin sa 'kin. Hays.
"Good morning po, Ms. Athena," kaliwa't kanang bati sa 'kin ng mga katrabaho ko.
Nginitian ko silang lahat at nang marating ko ang table ko ay agad na kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang bungkos ng bulaklak.
Naibaba ko ang bag ko sa upuan ko saka nagtatakang kinuha ang bulaklak. Pinaghalong white at pink ang petals no'n at sadyang napakagandang titigan.
Ngunit sino ang nagbigay nito sa 'kin?
Pamilyar sa 'kin ang bulaklak at may pagkakahalintulad ito sa binigay ni...
Napasinghap ako bigla. Kaagad kong hinanap sa loob ng wallet ko ang isang card.
Athena,
You are so beautiful and vibrant just like these Amaryllis. I love you.
- カレブ
Si Caleb kaya ang nagbigay nito?
Napakurap-kurap ako nang maramdaman ko ang mga lumilipad na paru-paro sa tiyan ko. Tuloy ay nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa kilig.
Pero... hindi ako sigurado kung si Caleb nga ang nagbigay nito.
Lihim na lang akong natawa at napailing-iling. Ibinaba ko ang bulaklak sa tabi ng computer saka parang baliw na ngumingiti ng mag-isa.
Kahit na nasa kalagitnaan ako sa trabaho ko ay hindi ko pa rin mapigilang ngumiti nang gano'n. Kahit na hindi nagsasalita ang mga katrabaho ko rito'y alam kong napapansin nila ang mga kawirdohan ko ngayon.
Napasandal ako sa inuupuan kong swivel chair saka tatawa-tawang nagpaikot-ikot.
Hay, Caleb. Dahil sa 'yo nababaliw na ako ng ganito. Mas lalo lang tuloy kitang namimiss...
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...