Chapter 15: El Nido

51 8 4
                                    

Naipikit ko ang aking mga mata nang yakapin ako nang mainit na sinag ng araw at nang salubungin ako nang maaliwalas na hangin na nanggagaling sa malakristal na dagat.

Nagmulat ako, hindi maipaliwang ang saya nang nararamdaman ko habang naglalakad sa puting buhanginan. Mukha na nga akong batang tuwang-tuwa sa bawat natatanaw sa ‘king paligid.

Sa wakas, nasa Palawan na ako!

Halos hindi ako makatulog kagabi sa sobrang excitement na makarating dito. At ngayon nama’y hindi na maubos ang energy ko, na para bang pakiramdam ko’y kayang-kaya kong libutin ang buong lugar ng El Nido ng isang araw lang.

Napakunot ang noo ko bigla nang may mapansin ako sa likod ng beach cabanas. May lalaking nakaitim na nakatayo ro’n. Hindi ko naman alam kung bakit sa layo nito sa aming puwesto ay nagagawa ko pa ring mapamilyaran ang mukha nito. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay naramdaman ko ang pag-akyat ng kaba papunta sa linya ng likuran ko.

“Smile!”

Napalingon ako sa ‘king gilid at nabigla nang marinig ko ang pag-click ng camera.

Natigil ako sa paglalakad. “Caleb!” nakanguso kong pagtawag. “Baka mukha akong epic diyan sa picture!” Tumakbo ako papalapit sa kaniya, ngunit bago ko pa man siya mahuli ay agad siyang tumakbo papalayo sa ‘kin.

Guwapo siyang tumatawa habang nakatapat pa rin sa ‘kin ang kaniyang camera. Kanina pa nga niya ako kinukunan ng mga litrato, kaya hindi ko maiwasang mahiya sa itsura ko. Hindi naman kasi ako photogenic tulad ng iba riyan.

Nang hingalin sa pagtakbo ay tumigil ako. Muli kong nilingon ang beach cabanas at nakitang wala na ro’n ang lalaki. Napahinga ako nang malalim, pinapakalma ang sarili saka ito binalewala. Humugot ako ng hininga’t pabirong umirap kay Caleb.

Nakangiti siyang lumapit sa ‘kin. “Athena, believe me, you’re beautiful... just the way you are,” he sweetly said.

Umismid ako. “Hay naku. Narinig ko na ‘yan,” pang-aalaska ko, subalit sa loob-loob ko’y kanina pa nagsusumigaw ang kilig sa ‘king dibdib.

Pinagkrus ko ang magkabilang braso ko at nagpatuloy sa paglalakad, hinahayaan ang hangin na liparin ang laylayan ng aking suot na summer dress at maging ang maikling kong buhok. Binaba ko ang sunglasses ko at nagfe-feeling modelo sa harap ni Caleb na ngayon ay nakatitig lang sa ‘kin.

Natawa ako. “Gandang-ganda ka, ‘no!” pagbibiro ko.

Matunog siyang ngumiti, na mas lalong nagpapaguwapo sa kaniya. Humakbang siya papalapit sa ‘kin at inipit ang ilang hibla ng buhok kong nililipad ng hangin sa ‘king tenga.

“Sobra.”

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang mag-init ang pisngi ko. “Ewan ko sa ‘yo, Caleb.” Pabiro ko ulit siyang inirapan saka ako ngumuso para pigilan ang pagngiti nang malapad.

Nang makarating kami sa cottage ay nagulat ako na makita si Kuya Mike at pati na rin ang apat pang tauhan ni Caleb. Hindi yata ako sanay na makitang normal ang mga suot nila. Parati ko kasi sila nakikitang naka-itim na suit, ngunit natutuwa akong makita silang lahat ngayon.

Nilingon ko ang mahabang mesa at napaawang naman ang bibig ko nang makita ko ring magbo-boodle fight kami!

Amoy at itsura pa lang ng mga pagkain ay nakakatakam na. Hindi pa man kami nagsisimula sa pagkain ay busog na ang mga mata ko!

“Kain lang po kayo!” nakangiti kong winika kila Kuya Mike nang magsimula kaming lahat sa pagkain.

Nailang yata ako nang sabay-sabay silang nagsitanguan sa ‘king direksyon. Feeling ko tuloy para akong reyna kung makitungo sila sa ‘kin. Subalit ayaw ko nang gano’n.

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon