Ano ang ginagawa niya rito? Ano na naman ba ang pinaplano niya?
Nakuyom ko ang aking magkabilang kamay nang maalala ang ginawa niya kay Caleb. Kung may balak siya sa ‘kin, p’wes hindi ako papayag na masasaktan niya ako. Sobra-sobra na ang ginawa niya sa amin ni Caleb. Nang dahil sa kaniya, nasisira ang relasyon namin.
“I-I know what you’re thinking,” she said, “but I’m not here to have a fight with you...”
Nagtagis ang bagang ko dahil sa galit na namumuo sa dibdib ko. “Kung gano’n, ano’ng ginagawa mo rito?” I asked nonchalantly.
Napakunot ang noo ko nang mapansin ko ang ilang beses niyang paglunok. “I came here to... a-apologize.”
Napamura ako sa isipan ko sapagkat sa lahat ng ginawa niya sa ‘kin ay ngayon niya lang naisipang humingi ng sorry.
Her eyes watered, na talagang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung totoong luha ba ang lumalabas sa mga mata niya, ngunit hindi ko ipapakita sa kaniyang apektado ako sa mga drama niya dahil baka parte lang ‘to ng kaniyang show para kaawaan ko siya.
“Hindi ko alam kung mapapatawad mo ako sa lahat nang nagawa ko sa ‘yo at kay Caleb,” she continued. Bumaba ang mga mata ko sa nanginginig niyang mga kamay. “Pero p-puwede bang pakinggan mo ‘ko kahit ngayon lang? I never talked to anyone about my problems, even to my parents and to my closest friends... Ayos lang kung may pakialam ka o wala... All I want is for you to listen to my confession bago ako tumuloy s-sa...”
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya. Subalit nanatili lang akong tahimik, hinahanda pa rin ang sarili kung sakali mang may gawin siyang masama sa ‘kin.
She breathed out heavily and gazed at me. “Hindi ko naman talaga gusto no’n si Caleb. Iyong tanging gusto ko lang naman no’n ay ‘yong namayapa niyang kapatid, si Calvin,” she spoke. “No’ng nalaman kong ikakasal ako sa isa sa magkapatid na Rutherford, buong akala ko ay si Calvin ‘yong mapapangasawa ko kasi obviously... siya ‘yong panganay. I was happy back then especially no’ng umamin sa ‘kin si Calvin na may gusto rin siya sa ‘kin. Ga-graduate na ng College no’n si Calvin no’ng naging kami.
“But after no’n, saka lang sinabi sa ‘kin ng parents ko na si Caleb ‘yong pakakasalan ko. Hindi ko alam no’n kung bakit ayaw nila kay Calvin. Pero kahit ayaw nila daddy sa kaniya, itinuloy ko pa rin ‘yong pakikipagrelasyon ko sa kaniya hanggang sa inilihim namin ito sa kahit na sino.
“Habang may relasyon kami ni Calvin ay naging kami rin ni Caleb. Caleb and I just go with the flow, sa kung ano ang gusto ng parehas naming pamilya. Pero hanggang sa pumunta ako ng New York ay wala pa ring kaalam-alam si Caleb sa relasyon ko sa kapatid niya.” She looked down and sighed. “After how many months na pananatili ko sa New York para sa pag-pursue ko nang modeling career ko ay unti-unti namang lumalabo ang relasyon namin ni Calvin. Lumilipas ang mga araw na nag-aaway kami palagi. I don’t know what was happening to him. Siguro’y dahil nailipat no’n sa nakababata niyang kapatid ang kompanya nila kaya he was starting to change. Dahil nawawalan na siya ng time sa aming relasyon at dahil puro kami away, nakipaghiwalay siya sa ‘kin.”
“Nasaktan ako no’n ng sobra. Pero Caleb was there to lighten up back my world. Dahil ayokong magpakalugmok sa paghihiwalay namin ni Calvin, ibinuhos ko na lamang ang buong oras ko kay Caleb. At dahil do’n, doon ko lalo na-realize na mas better pa pala si Caleb kaysa sa kapatid niya... Hanggang sa hindi ko namamalayang nahuhulog na pala ako.
“Pero after one month, nalaman ko na lang na b-buntis ako. I was already two months pregnant at nabahala ako na sa oras na malaman ‘to ng lahat, babagsak ang modeling career ko at baka itakwil ako ng mga magulang ko’t baka hindi na rin ako tuluyang pakasalan ni Caleb. Dahil sa takot ko...” Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa mga mata niya. “P-Pinalaglag ko ang bata nang hindi ipinapaalam kay Calvin...”
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...