“Do you like it?”
Nag-angat ako ng tingin kay Caleb at agad na tumango. Muli kong tinikman ang chirashi saka napatango-tango sa lasa nito. Hindi man ako mahilig sa mga hilaw na pagkain ng Japanese, pero masasabi kung masarap ito.
Kami kasi ni Chenie ay pulos Korean food ang kinakain namin sa oras na lumalabas kami. At kadalasan pa’y parati kami na nagsa-samgyupsal.
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko’t pinanood na kumain si Caleb. Pigil ang ngiti ko na mapansin ang pamumula ng kaniyang tenga.
“Kailan ka nagkagusto sa ‘kin, Caleb?” wala sa sarili kong tanong, huli na para maitikom ko ang bibig ko nang mabilis kong mapagtanto ‘yon.
Agad akong nagbaba ng tingin sa ‘king pagkain habang minumura ang sarili.
Jusko, Athena. Sa dami ng tanong sa mundo, bakit ‘yon pa?
“Hmm,” napa-isip siya’t sinilip ang mukha ko. Inipit niya ang ilang takas ng buhok ko sa ‘king tainga at bumulong, “No’ng unang beses na nakita kita.”
Umawang ang bibig ko habang nararamdaman ang pagdaloy ng mainit na haplos papunta sa ‘king puso. Pabiro akong ngumiwi at sinalubong ang nakakatunaw niyang titig. “Agad-agad? Gano’n kabilis?”
His eyes shined as he smiled at me. “I know it’s weird, but it’s the truth, Athena,” he said sincerely.
Sa sinabi niyang ‘yon ay pigil ang ngiti kong napalo siya sa kaniyang braso. Natatawa naman siyang napaaray.
My mouth twitched. “Sus! E, bakit hindi mo ‘ko hinanap? Bakit hindi ka nagparamdam agad no’n?”
“Hinanap kita, Athena.”
Tumaas ang kilay ko. “Nahanap mo ba ako?”
He nodded.
I blinked, stunned. “N-Nahanap mo ako? Pero bakit hindi ka nagparamdam?”
Bumuntong-hininga siya’t sumandal sa kaniyang upuan. “I was planning to, but you were already in a relationship, Athena.”
Halos mabuga ko ang iniinom na juice sa gulat. Nanlaki ang mga mata kong napalingon sa kaniya. “Ako? In a relationship?” I stuttered. “Wala akong natatandaang nagkaroon ako ng boyfriend no’ng college ako, Caleb.”
His eyes widened. “I-I thought Zurt Del Frado was your ex, Athena. He keeps on calling you babe, right?”
“Ha? Ex? Si Zurt?” hindi makapaniwalang reaksyon ko at saka ako mabilis na umiling sa kaniya. “Hindi ko siya naging boyfriend at hindi naging kami!” maagap kong pagtanggi.
“Oh,” was his only reaction, but there was a small smile playing on his lip as he looked at my face. “He’s not your ex.”
“Hindi nga,” paglilinaw ko. “Magkaibigan lang kaming dalawa. Hilig lang niyang tawagin ako ng babe, pero never naging kami. We’re just friends. That’s all.”
Jusko! Si Zurt naman kasi, e! Dahil sa pagtawag niya palagi ng babe sa ‘kin kaya naiisip tuloy ng iba na may relasyon kami. At heto tuloy, pati na rin si Caleb ay gano’n din pala ang inisip!
Hanggang sa matapos ang lunch naming dalawa ni Caleb ay matulis ang nguso ko. Nakakainis naman kasi si Zurt, e!
“Athena,” rinig kong pagtawag ni Caleb sa ‘kin, subalit hindi ko siya nilingon dahil sa lalim ng mga iniisip ko.
Bigla akong natigilan kasabay nang paghuromintado ng dibdib ko sa labis na pagkabog. Nanlaki ang mga mata ko nang marahang hinawakan ni Caleb ang magkabilang pisngi ko’t iniharap sa kaniya. Dahil sa nangyari ay tulala akong napatitig sa guwapo niyang mukha at pakiramdam ko’y mukha na akong kamatis!
BINABASA MO ANG
You Got Me (Book 2)
RomanceThe Sequel. Pagkatapos ang mga nangyaring insidente ay piniling lumayo ni Athena sa buhay ni Caleb. Ngunit buong akala niya'y magiging maayos na ang lahat. Dahil ang hindi niya alam, may panibago na namang peligro ang naghihintay sa kaniya. Started...