Chapter 35: Cold

42 2 8
                                    

Pagkatapos ang isang linggong bakasyon namin sa Palawan ay umuwi kami ng pamilya ko sa Leyte, baon ang masasayang adventures at memories sa lugar. Hindi na nakasama sa amin pauwi si Caleb maging ang pamilya niya, sapagkat kailangan na nilang bumalik ng Maynila. After two days namang pamamahinga ko sa Tacloban ay bumiyahe na rin ako papuntang Maynila dahil kailangan ko nang bumalik sa trabaho.

Isang taon.

Hindi ko namalayang isang taon na pala ang lumipas. May masasakit at hindi makakalimutang mga pangyayari man ang nananaliti pa rin sa puso at sa aming isipan, subalit unti-unti naman itong napapalitan ng mga magagandang memories.

Makalipas ang isang taon ay mas lalong naging matibay ang relasyon namin ni Caleb. May mga panahong nagkakatampuhan, ngunit ‘yong tiwala at pagmamahal namin sa isa’t isa ang parating nananaig sa aming relasyon. Busy man sa kaniya-kaniya naming trabaho ay may time pa rin kaming mag-date at mag-travel-travel. Nasa plano na rin namin ni Caleb na sa pasko’y pupunta kami ng Japan upang magbakasyon.

Kaya heto’t hindi na mapaglagyan ang saya ko sa sobrang excitement kahit ilang buwan pa ang kailangan dumaan bago magpasko. Nagsisimula na rin akong bumili ng mga damit na puwede sa malamig na klima ng lugar. At ang ikinaka-excite ko pa sa lahat ay makikita ko at mahahawakan ko rin ang snow!

Todo tipid din ako at ipon para sa susunod ay madala ko ang pamilya ko ro’n sa Japan kahit na… medyo imposible. Pamasahe pa lang kasi ay nakakabutas na ng bulsa. Ayoko namang sabihin ito kay Caleb, sapagkat baka siya na naman ang mamasahe at gumastos katulad no’ng mga dati naming outing—sa Palawan, Baguio, at Boracay. Nahihiya na ako masyado dahil kahit hindi niya sabihin, ang laki-laki parati nang ginagastos niya upang mapasaya lang ako at ang pamilya ko.

Nakangiti akong napahinga nang malalim. Nang makarating ako sa IOSoft ay masaya akong bumaba ng taxi. Walang kaalam-alam si Caleb na pupuntahan ko siya sa opisina niya. Day off ko kasi ngayon kaya naman naisipan kong sorpresahin siya. Excited din ako dahil ipinagluto ko rin siya ng specialty kong humba.

Papasok na sana ako ng building nang magkasalubong kami ni Nick. Parehas kaming nagkagulatan na makita ang isa’t isa at sa huli nama’y parehas din kaming natawa. Iyong huli naming pagkikita kasi ay no’ng nakaraang taon pa.

Ngumiti ako. “Nick, kumusta?” tila gulat ko pang ani. “Ikaw, a? Naikuwento sa ‘kin ni Caleb na isa ka pa lang magaling na sundalo at agent! Ba’t hindi mo ‘yon sinabi sa ‘kin no’n? Ang daya mo!” nagtatampo ko kunwaring saad. Naiintindihan ko naman kasi kung bakit nila ‘yon itinago sa ‘kin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isa pala siyang agent. H-na-ire kasi siya ng pamilyang Rutherford no’ng magsimulang makatanggap si Caleb ng mga death threats. Buong akala ko kasi ay assistant talaga siya ni Caleb. Subalit hindi ko rin maiwasang magtaka no’n dahil sa galing niya sa paghawak at paggamit ng baril, at maging sa combat fighting. Nang maikuwento sa ‘kin ni Caleb ang totoong pagkatao ni Nick ay talagang nagulat ako.

Natawa siya. “Classified kasi ‘yong information na ‘yon, Athena. Pasensya na.”

My mouth twitched and I rolled my eyes at him. “Okay lang. Gets ko naman kung bakit,” turan ko saka naman namilog ang mga mata ko nang may maalala. “At nalaman ko rin pala na binigyan ka raw ng award! Mataas na ranking mo ngayon, ‘no? Naks, deserve mo ‘yan!”

He nodded and chuckled. “Salamat, Athena,” he responded while smiling. “Ikaw, kumusta ka nga pala? Balita ko… nagpatayo na kayo ng family mo ng business?”

Napatango ako agad at napangiti. “Oo. Iyong kakanin business namin. Actually, matagal na kaming nagtitinda no’n, pero kagagawa pa lang namin ng physical store sa Tacloban. Uy, Nick, bumili ka naman! Suportahan mo ang business ko!”

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon