Last Chapter: Sakura

43 2 8
                                    

Nagising ako nang tumama ang sinag ng araw sa ‘king mga mata. Ilang beses akong sumubok na matulog ulit, ngunit hindi na ako dinalaw pa ng antok. Nakapikit pa rin ay tamad akong bumangon at umupo sa malambot na kama. Ini-stretch ko nang bonggang-bongga ang mga kamay ko sa ere at humikab din ng ilang beses.

Binuksan ko ang mga mata ko at tiningnan ang orasan sa bedside table. Balak ko na sanang tumayo nang mamilog ang mga mata ko nang may mapagtanto. Napalingon ako bigla sa harapan ko nang makita si Caleb na nakapandekuwatrong nakaupo at mukhang kanina pa ako pinapanood!

“Hi.” He waved his hand at me. “Good morning, mahal,” he greeted me with his crooked smile.

Naitakip ko agad ang kumot ko sa ‘king katawan. Jusko! Wala pa naman akong suot na bra!

Nag-init ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. “K-Kanina ka pa ba riyan?”

He took a sip from his cup of coffee. Inayos niya ang kaniyang itim na necktie at tumango. “Hmm-hmm.”

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya nang mapansin ko ang pagpipigil ng tawa niya.

Nasapo ko ang aking noo sapagkat ngayon ko lang na-realize na nandito pala ako ngayon sa isa sa bahay nila rito sa Japan upang magbakasyon. Pangalawang beses ko ng bakasyon ‘to rito kaya naman mukhang feel at home ako masyado.

Napanguso ako at nagmamaktol sa harapan niya. “Bakit ka nandito sa loob ng kwarto ko, Caleb?” reklamo ko.

Naningkit pa lalo ang mga mata niya sa pagngiti. “Why?” tanong niya. “Gusto ko lang naman makita ka agad sa umaga, mahal,” tugon niya sa tanong ko. “At isa pa... Pinaghanda kita ng breakfast,” halata sa tono ng boses niya ang tuwa.

Agad kong nilingon ang mesa sa tabi niya at nakita kong naka-set up doon ang hinanda niyang breakfast para sa ‘kin. Imbes na ipagpatuloy ang pagmamaktol ko ay hindi ko napigilang mapangiti sa kilig. He made a breakfast for me kaya.

“Thank you, mahal.”

He mirrored my smile. “You’re welcome.”

Nakagat ko ang loob ng pisngi ko habang pinagmamasdan siya. Mukhang handa na siyang umalis dahil nakasuot na siya ng itim na suit papuntang trabaho.

My forehead creased when he stood up. Napatayo ako kaagad sa kama ko nang makita kong balak niyang lumapit sa ‘kin. Tinakpan ko ang bibig ko at umatras papuntang banyo.

Nangunot din ang noo niya, nagtatanong ang mga mata.

“H-Hindi pa ako nag-toothbrush!” sabi ko at mabilis na pumasok sa loob ng banyo.

Mabilis akong naghilamos at nagsipilyo. Bago pa man ako lumabas ay isinuot ko ang itim na bathrobe.

Kahit na alam kong mahal ako ni Caleb ay ayaw ko namang makita niya ang itsura ko lalo na sa umaga. Gulong-gulo ang buhok, walang make up at ang isa pa’y wala akong suot na bra!

Nakakahiya kaya ‘yon, ‘no.

Agad siyang napalingon sa ‘kin pagkalabas ko ng banyo. Tatayo ulit sana siya nang pigilan ko siya.

“Nah-uh-uh!” umiiling kong ani. “No morning kiss for now!” nagmamaldita ko kunyaring isinambit.

Nakita ko ang nagrereklamong mukha ni Caleb. “Bakit? May ginawa ba akong mali?”

Umupo ako—katapat siya sa mesa at nilantakan agad ang egg sandwich. Pinigilan ko ang sariling mapangiti nang ilahad niya sa ‘kin ang isang pulang rosas. “Wala ako sa mood,” turan ko sa tanong niya.

He pouted his mouth, nagpapa-cute sa harapan ko. “What should I do then to make you feel better?”

Sosyal kong itinaas ang hawak na tinidor. “Ah...” Saka nag-isip kunwari. “Wala.”

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon