Chapter 37: Listen

38 1 1
                                    

Hanggang sa natapos ang binyag ay naging tahimik lamang ako. Isa naman ito sa inaasahan ko-na baka nga'y makarating siya. Hanggang matapos ang binyag ay nararamdaman ko pa rin ang titig niya sa direksyon ko.

Nahihiya akong nilapitan ni Ate Sarah pagkatapos ng picture taking. "I'm sorry, Athena," saad niya, "nasabi ko kasi kay Master na pupunta ka. 'Tsaka akala ko hindi talaga siya makararating kasi nga may importante siyang meeting today. Sorry talaga," rinig ko sa boses niya ang pagsisisi.

I smiled a little. Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. "It's fine." Sunod ko namang inabot ang regalo ko para kay Baby Mina. "For your daughter. Thank you in-invite ninyo ako sa binyag at ginawa ninyo pa akong ninang."

She laughed. "Sus! Hindi naman puwedeng hindi. Sa 'yo ko kaya ipinaglihi ang anak ko!"

Nang maalala ko ang mga nangyari no'ng unang buwan nang paglilihi niya'y maging ako ay natawa na rin. "Ate Sarah, hindi na ako susunod sa inyo."

Lumungkot ang mukha niya. "Ha? Sigurado ka? Hindi ka ba muna kakain?"

Umiling ako. "Magpapasundo ako kay kuya ngayon. May pupuntahan kasi kami."

"Gano'n ba... O sige. Salamat din sa pagpunta mo at sa regalo mo kay Mina. Masaya kami na nakapunta ka," aniya't nagyakapan kami saka ako muling nagpaalam sa kaniya at sa kaniyang mag-ama.

Hindi na ako lumingon pa sa loob ng simbahan at kunwari'y kalmado lang na naglakad papalabas. Pagkalabas ko ay doon lang kumalma ang paghinga ko; talagang apektadong-apektado ako sa presensya ni Caleb. Ngunit hindi lang 'yon ang dinaramdam ko... Parang may maliliit na kirot sa dibdib ko, siguro'y dahil hindi man lang ako kinausap ni Caleb.

Argh! Kanina pa ako naiinis sa sarili ko. Kalahating porsyento ay gusto kong lapitan niya ako at ang kalahati naman ay ayaw ko naman.

Ano ba talaga, Athena?

Kanina pa ako selos na selos sa mga katabi ko kasi nginingitian sila ni Caleb at kinakausap.

Matamlay tuloy ako ngayon-pero sandali... Nakakalimutan ko na yatang may kasalanan siya sa 'kin kung makapagtampo ako nang ganito sa kaniya, a?!

Para akong aatakihin sa puso. Napahinto ako sa paglalakad nang magkasalubong kami. Maging siya ay napatigil at nakita kong napalunok siya nang malalim. Dahil nasa labas nga kami ng simbahan at dahil sa magandang liwanag ng araw ay mas nakikita ko ang bawat detalye ng mukha niya.

Kahit na maitim na ang ilalim ng mga mata niya ay hindi man lang 'yon nakabawas sa kaguwapuhan niya. Hindi ko tuloy maiwasang mangulila sa tuwing sumusulyap sa 'kin ang singkit niyang mga mata.

Palihim akong huminga nang napakalalim sapagkat nangangati ang mga kamay kong hawakan siya.

Athena, please lang... Alalahanin mong may kasalanan siya sa 'yo.

Buong tapang akong bumalik sa paglalakad, pilit na binabalewala ang presensya niya. Akala ko ay magagawa kong makalagpas sa kaniya, pero nagulat ako sapagkat tila ba'y dumaloy ang kuryente sa 'king sistema nang mahawakan niya ang kamay ko.

Napahinto ako sa paglalakad hindi lang sa kadahilalan no'n, kundi dahil sa nararamdaman ng puso ko. Para itong nagwawala at hindi na magawang pakalmahin nang kahit ano pang orasyon.

Jusko. Manhid kong puso, ba't ka ganiyan?

"Mahal ko," he spoke softly.

The sound of his damn voice is killing me! Lalo na't namiss kong marinig sa kaniya ang tawagan namin.

Ayoko na sa earth. Gusto ko na lang yata matunaw.

"Please, Athena, talk to me," he uttered. "I can't do this anymore..."

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon