Chapter 27: Gayuma

42 7 2
                                    

A/N: Heyaaa! Sorry if this chapter took so loooong to be published. Sobrang busy lang talaga. Anyways, I hope you guys will love this new update. Hihi!

***

Isang gabi.

Isang gabing trahedya ang tumimbal sa aming lahat—lalong lalo na sa pamilya ni Caleb. Isang gabi kung saan isa-isang nasagot ang lahat ng mga katanungan at nang gabi ring iyo’y nasaksihan ko mula sa ‘king harapan ang isang karumaldumal na pangyayari, na siyang ikinabawi ng buhay ni Lolo Frederick.

Kung hindi dumating ang mga pulis ay baka kung ano pa ang masamang nangyari sa amin. At kung hindi rin dumating sila Nick ay baka isa sa amin ang tinamaan ng bala sa pagtatangka ni Calvin na kumuha muli ng buhay.

Sa ginawang pagpatay ni Calvin kay Lolo Fred ay buhay niya rin ang siyang naging kapalit.

Nang gabi ring ‘yon sa wakas ay nahuli at naikulong ang leader ng sindikato na si Mr. Balmori at maging ang kanang kamay niyang si Zoilo, kasama na rin dito ang mga tauhan nila sa kulungan na dapat nilang kinasasadlakan. Panigurado’y hindi makapapayag ang pamilya ni Caleb na makalabas pa ang mga ito sa kulungan.

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kinusot ko ang mga mata ko at nilingon ang paglabas ng babaeng nurse. Napasulyap ako kay Caleb at halos lumabas ang puso ko sa ‘king dibdib nang makitang gising na siya. Nasa harapan ko na pala siya’t nakaupo sa plastic na upuan habang hawak ang kamay ko.

Napabangon ako sa sofa. “Gising ka na pala, mahal. Nagugutom ka ba? Ano’ng gusto mong kainin? May masakit ba sa ‘yo?” sunod-sunod kong tanong.

Pangalawang gabi na namin dito sa ospital. Mabuti na lang ay hindi naging malala ang mga natamo niyang sugat at daplis lang ng bala ang nakuha niya sa kaniyang binti. Ngunit kitang-kita pa rin sa mukha niya ang mga sugat at ‘yong mga pasa sa buo niyang katawan na patuloy pa ring humihilom.

Pinisil niya ang kamay ko. “I’m good, mahal. Don’t worry too much about me,” sagot niya. “Ako nga dapat ang mag-alala sa ‘yo. Hindi ka pa nakakapagpaghinga nang maayos simula pa kagabi. You should go home and get some rest.”

Umiling-iling ako. “Ayoko. Dito lang ako. Mas makakapagpahinga ako kapag nasa tabi kita, Caleb,” turan ko. Napakunot ang noo ko nang mapansing bihis na bihis na siya. Nakasuot na siya ng itim na suit, nasa ilalim nito ay puting plain shirt tapos ay nakaitim din siyang sapatos.

“Teka lang. Ba’t nakabihis ka na? Sabi sa ‘kin ng doctor, kailangan mo pang magpahinga ng mga ilang araw pa para tuluyan kang gumaling.”

He gave me a soft smile. “Maayos na ako, Athena. Malakas na malakas na ako. Tingnan mo.” Tumayo siya’t tumalon nang isang beses. Hindi nakatakas sa ‘king paningin ang pagngiwi niya sa pagtalon.

Matunog akong napangisi. “O, akala ko ba maayos ka na? Maupo ka nga rito, mahal.”

Agad siyang umupo sa tabi ko habang nakanguso. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa ‘king balikat saka niya niyakap ang bewang ko, nanlalambing.

“Mahal, saan mo ba balak pumunta? Magpahinga ka kaya muna. Hindi pa nga kaya ng katawan mo, e,” winika ko. Ginamit ko ang aking kamay para suklayan ang humahaba niyang buhok.

Bahagya siyang humiwalay sa ‘kin at nag-angat ng tingin sa ‘kin. Parang kinurot ang puso ko nang makita ko ang namamaga niya pa ring mga mata dahil sa labis na pag-iyak simula pa kagabi.

“Kailangan naming maiuwi agad si Lolo Fred sa Japan ngayon, mahal.”

“Oo nga pala,” napapasinghap kong sabi. “Pero sigurado ka bang kaya mo na, Caleb? Bugbog-sarado ka kagabi.”

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon