Chapter 23: Apo

29 5 5
                                    

Pigil ang hininga ko habang papalapit sa aming kinatatayuan ang mga magulang ni Caleb. Napakunot naman ang noo ko nang makitang nasa likod ang kuya niyang si Calvin na may inaalalayan na isang matandang lalaki—na sa tingin ko’y lolo nila ito.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang makaramdam naman ng hiya. Nang makalapit sila ay todo yoko ako para bigyan sila ng matinding respeto. Narinig ko ang paghagikgik ni Calissa, mukhang naramdaman niya rin ang kaba ko.

Pinisil ni Caleb ang kamay ko kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. He gave me his soft smile and he silently whispered in my ear, “I love you.” 

Sa ginawa niyang ‘yon ay napahinga ako nang malalim dahil pakiramdam ko’y binalot ako nang mainit na haplos sa buong sistema ko. 

Yumuko siya’t niyakap ang mga magulang at ang kaniyang lolo na may magandang ngiti na ibinigay sa aming dalawa. Huli niya namang niyakap ang kapatid na nakipagngisian pa sa kaniya. 

Matapos no’n ay muling hinawakan ni Caleb ang kamay ko at nagsalita, “Lolo, Mom, Dad, Kuya, Calissa... this is Athena, my girlfriend,” he proudly said in his sweet voice. Then he looked at me straight in the eyes. “Mahal, this is my grandfather, Lolo Frederick, my mom, Reiya, my dad, Carolus, and my brother, Calvin.  I want you to meet... my lovely family.”

I smiled at that. Napalunok ako bago yumuko ulit. “Ako po si Athena Ryse Gerez. Magandang hapon po sa inyo,” magalang kong sinabi habang ramdam ko ang bahagyang nginig ng ngiti ko sa kaba.

Char, Athena. Ang bait-bait mo today, a? 

Tila nagulat ako sa sunod na nangyari dahil nakangiti akong niyakap ni Mrs. Rutherford. “We’re very glad to have you here. Welcome to Santa Isabela, Athena,” malumanay niyang sabi saka hinagkan ang aking pisngi. 

Maging ang kaniyang ama at lolo ay may magagandang ngiting ibinigay sa ‘kin, na siyang unti-unting nagpapakalma sa ‘king kaluluwa. Ramdam ko ro’n ang mainit nilang pagtanggap sa ‘kin na talagang ang sarap lang sa pakiramdam.

“Thank you po,” tanging nasabi ko sa nararamdaman pa ring hiya. 

She nodded while smiling, which made her look even more beautiful. Pansin na pansin ko talaga ang malaking pagkakahawig nilang dalawa ni Calissa, hindi lang sa ganda kundi pati na rin sa kilos. 

“Dahil sa tagal ng biyahe ay panigurado’y gutom na kayong dalawa. Hali na’t pumasok na kayo sa loob,” she uttered in a gentle voice. 

Sabay kaming tumango ni Caleb do’n.

“Yes, mom. At excited na rin kaming matikman ang mga niluto mo ngayon,” Caleb uttered.

Natakpan ni Mrs. Rutherford ang bibig niya nang matunog itong ngumiti sa sinabi ng anak at marahang tinapik ang braso ng asawa. “Sana magustuhan ni Athena ang mga luto ko.”

“She will definitely like what you cook, darling,” Mr. Rutherford said. 

“Tama po. Tiyak po na magugustuhan ko po ang mga luto ninyo,” agad kong winika na siyang nagpalapad sa ngiti ni Mrs. Rutherford.

“See?” dugtong ni Mr. Rutherford habang nakaangat ang sulok ng gilid ng labi nito. 

“O, siya, papasukin na natin sila dahil baka gutom na ang mga bata,” singit ng lolo ni Caleb, na siyang ikinaani ng lahat ng tawa sa kakaibang tuwa. 

Bago pa man kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay ay huminto ako sa paglalakad. Huminto rin si Caleb na para bang hindi na mapunit sa mukha ang guwapong ngiti nito.

I pouted. “Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na ipapakilala mo na pala ako sa buong pamilya mo, mahal? E, ‘di sana nakapagsuot man lang ako ng pormal at kahit papaano’y nakagawa ako ng magandang speech.” Nakasimangot na akong nagbaba ng tingin sa suot kong blouse at shorts. 

You Got Me (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon